Kylie Padilla does the ‘New Leading Lady’

DUMATING NA NGA ang suwerte para kay Kylie Padilla dahil siya na ang bida remake ng Blusang Itim na unang pinasikat noong 1986 ng award-winning actress na si Snooky Serna. Dumaan naman sa audition process ang magandang anak ni Binoe at hindi rin siya nag-atubili pa na itanong sa management kung bakit siya ang napili over StarStruck 5 Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati na isa rin sa mga pinagpilian. Naman, napakalaking break nito para sa dalaga kaya dapat eh, galingan niya at paghusayan ang kanyang pag-arte para hindi kahiya-hiya kung sakali di ba? Lucky girl talaga si Kylie dahil naunahan pa niya ang sister na si Queenie na magbida sa serye, huh! Kabog he-he! Pero sa tingin n’yo mga kaparazzi, keri na ba nitong si Kylie ang maging leading lady?

 

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Kylie Padilla does the ‘New Leading Lady’

Leave a Reply

Your email address will not be published.