Kylie Padilla, ‘di maitago ang selos sa tambalang Aljur Brenica-Kris Bernal

Kylie-PadillaHINDI MAITAGO ni Kylie Padilla na may selos factor siya sa tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal kahit palaging dini-deny ng dalaga. Matagal na silang magka-loveteam, friends lang talaga ang turingan nila. Palibhasa relax na sila sa isa’t isa kaya kahit may kissing scene, walang malisya ‘yun sa dalawa. May tsika na tuwing pinapanood daw ni Kylie ang love-comedy seryeng Prinsesa Ng Buhay Ko, kinukurot daw ang puso ng dalagang anak ni Robin Padilla.

Sa ganda at talino ni Kylie, hindi dapat ma-insecure ito kay Kris. Alam niya kung gaano siya kamahal ni Aljur. Nag-iisa lang ang dalaga sa puso nito. Nagpakatotoo lang si Kylie nang minsan inamin niya sa amin na selosa siya pagdating sa lalaking mahal niya. Ayaw nitong may ibang babaeng yayakap at hahalikan ang kanyang dyowa. Kahit on screen lang ‘yung kilig moments nina Aljur at Kris para sa kanilang mga fans, apektado si Kylie. Feeling daw ng dalaga, nagte-take-advantage si Kris tuwing may romantic scene sila ni Aljur sa soap ng GMA-7. Nasubaybayan namin ang tambalang AlKris, sobra kaming nag-i-enjoy sa tandem nila kaya patuloy namin itong sinusubaybayan everyday, Monday-Friday, ang PNBK bago mag-24 Oras sa Kapuso Network.

Bakit kasi pinanonood pa ni Kylie ang show nina Aljur at Kris kung selos na selos siya kay Kris. Might as well, maging busy na lang sa ibang bagay para hindi ma-hurt. Para namang hindi artista itong si Kylie, apektado agad sa nakikita niya on TV. React agad-agad ito sa mga friend, sa mga scene na hindi niya gusto. Walang dapat i-insecure si Kylie kay Kris, look at the bright side, trabaho lang ‘yun, period.

Alam naman nating boyfriend ni Kris si Carl Guevarra, kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin ang dalawa. Natatakot siguro ang dalaga na maapektuhan ang tambalan nila ni Aljur kung aaminin niyag BF ang hunk actor. Pero sa takbo ng kanilang relationship, hindi maitatagong sila na nga. Palaging magkasama sa mga lakaran, out of town, nagdi-date na sila lang. Maging sa abroad, magkasama rin ang dalawa. Pati nga sa Instagram account na pino-post ni Kris ang picture nila together ni Carl, ka-join ang family. Anong tawag mo du’n, friendship lang ? Huwag nga tayong maglokohan.

Sa totoo lang, natutuwa kaming umarte si Kris tuwing kaeksena niya si Aljur. Akala mo nga tunay at wagas ang pagmamahal nito sa actor. Bigay na bigay ang dalaga sa mga sweet moment nila dahil nga ‘yun ang hinhingi sa eksena. Maging ang hunk actor, relax tuwing eksena nila ni Kris. Maganda ang chemistry nila together kaya sinusubaybayan ng madlang pipol ang kanilang TV series.

 

TODO ANG suporta ngayon ng mga fans ni Aljur Abrenica sa nalalapit niyang concert  na “Come And Get Me” ng GMA Network at MJM Productions na gaganapin sa Music Museum on November 7. Siyempre,  guests nito sina Kris Bernal, Julie Anne San Jose, Rochelle Pangilinan at ang utol niyang si Vin Abrenica.

May surprise number na gagawin si Aljur sa kanyang concert bukod pa sa gagawin nitong panghaharana sa kanyang mga fans. Balita rin may pasabog daw ang hunk actor na ayaw nitong i-reveal. Malalaman lang daw natin sa mismong show na niya.

Kahit iniintriga si Aljur, deadma lang ang binata. Nasanay na rin siya sa mga negative write-up tungkol sa kanya. Nand’yang sinasabing hindi siya magaling na actor kaya’t hindi siya mabigyan ng solo movie.

“Ikaw ang talo kapag nagpadala ka sa intriga at pumatol ka. Hindi pa lang siguro napapanahon, let’s wait and see. Napaka-importante rin ‘yung timing, kung ready na nga ba ako. At saka, alam mo sa sarili mo kung totoo o hindi ang intrigang ibinabato sa ‘yo. Maging positive na lang tayo in life, mahalin natin ang ating propesyon at bigyang-halaga ang blessing na ibinibigay sa atin sa Itaas. Happy ako sa takbo ng career ko, I don’t mine kung anuman ang sabihin nila, ‘yun. I’m so excited right now, malapit na ang concert ko, ‘yun ngayon ang pinaghahandaan ko,” masayang sabi ni Aljur.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Kylie Padilla, ‘di maitago ang selos sa tambalang Aljur Brenica-Kris Bernal

Leave a Reply

Your email address will not be published.