Kylie Padilla, binibigyan ng royal treatment ng Siyete!

ON TWO RECENT events hosted by ABS-CBN, naging standard “warning” na sa entertainment press ang pagbabawal magtanong ng walang kaugnayan sa pelikula o sinuman sa cast. At nito ngang ikalawang presscon, this time for Star Cinema’s Cinco, the same stern directive was issued ng tumayong moderator nitong si MJ Felipe.

Hindi kumpleto, pero may mga kinatawan sa limang episode ng naturang kakaibang horror movie, all seated on stage of the Dolphy Theatre dolled up with creepy ambience.

Nu’n ko na-realize kung bakit no-no ang magtanong ng unrelated questions. Facing the press were two of the most talked about personalities, sina Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez. Tampok si Zanjoe sa Puso episode sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, samantalang nasa Mukha episode naman si Mariel under the helm of Nick Olanka.

Kalabisan nang sabihing ang dating sweethearts are no longer a couple, dahil ang umano’y matunog na ipinalit ni Mariel kay Zanjoe ay si Robin Padilla. Pagkakataon na sana ‘yon ng ex-lovers to give a hint man lang as to the cause of their break-up. Na kay Zanjoe nga ba ang diperensiya? And what about Zanjoe, may kinalaman ba ‘yon sa kanyang “sexual indiscretions”?

Had Mariel and Zanjoe stayed longer at the presscon, mas makapanindig-balahibo kaya ang mga katotohanang natuklasan sana ng press tungkol sa kani-kanilang paghihiwalay, more frightening than their movie slated on July 14?

FIRST TIME AT hindi na marahil mauulit pa ang sabay-sabay na pagge-guest nang live ng mga tinaguriang Telebabad Block Queens ng GMA na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Barbie Forteza at Regine Velasquez in welcoming the entry of Kylie Padilla, ang bagong prinsesa ng naturang istasyon.

Such a rare assembly happens tomorrow on Startalk TX, kung saan isa-isa ring isasalang sina Regine, Heart, Barbie at Marian sa Itapat Sa Apat segment ng apat na hosts nitong sina Joey de Leon, Butch Francisco, Lolit Solis at Ricky Lo.

Kylie gets royal treatment, ‘ika nga, now that she has inked a two-year contract with GMA. Una nang ini-launch si Kylie sa Party Pilipinas noong Sunday, and she gets to be reintroduced in various programs.

HINDI MAUBOS-MAISIP NI Lolit Solis kung bakit nakakaladkad na naman siya sa court battle sa pagitan nina Katrina Halili at Hayden Kho. Ang tanging alam lang daw niya, she’s a good friend to Dra. Vicki Belo who happens to be the respondent’s girlfriend. At kung pinatawag man daw siya sa korte noong Lunes, hindi na matandaan ng manager-TV host kung ano ang mga ikinuwento sa kanya ni Hayden, their conversation was even taped.

All that ‘Nay Lolit could remember, siya pa itong nag-udyok kay Hayden na humingi ng dispensa kay Katrina. Hindi na bago ang ganitong legal process kay ‘Nay Lolit, only that she spared from the typical and mental exhaustion na dulot nito most especially that she’s already 63 years old.

“’Kalokah, huh?!” Naiiritang sabi niya.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Kylie Padilla, binibigyan ng royal treatment ng Siyete!

Leave a Reply

Your email address will not be published.