KYLIE PADILLA, BALIK-SHOWBIZ: Salpukan nila ni Jennylyn Mercado sa ‘The Cure’, inaabangan na!

Kylie Padilla

MISS NA MISS na ng mga fans lalo na ng mga ‘EncantAdiks’ ang millennial Amihan na si Kylie Padilla. Pagkaraan ng mahigit isang taon ay opisyal nang nagbabalik-telebisyon ang isa sa pinakamagandang action princess sa showbiz.

Si Kylie Padilla ang bagong artista na makakasama sa ‘The Cure’. Sa teaser trailer na ipinalabas ng Kapuso network, hindi pa namin mawari kung siya ba ay magiging kakampi ng bidang si Jennylyn Mercado o isang kaaway. Obyus na obyus ang petmalung tattoo ng happy Mom ni Baby Alas dominating her left arm. Totoo nga ba ito or para lang sa programa? 

Dahil sa pagpasok ni Kylie sa action-fantasy series, marami tuloy ang nag-aabang at nagre-request kung puwede bang ipasok na rin sa programa si Ruru Madrid, na dati niyang nakatambal sa Encantadia.

Kylie Padilla at Jennylyn Mercado sa ‘The Cure’

Matatandaan na naging hot topic ang hindi inaasahang chemistry nina Kylie at Ruru noon (dahil mas pinupush ng GMA noon ang GabRu loveteam). Ngayon na tapos na ang Sherlock Jr. at tuluyan na ngang binuwag ang partnership nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, tuloy ang paghohopia ng ‘KyRu’ fans.

Well, excited na kami sa bagong putahe ng programa ng GMA-7 na hindi man naging maganda ang pilot week ay nakabawi naman ng bongga!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.