KYLA, SIMPLENG CHURCH WEDDING LANG ANG GUSTO

CORNY MAN, pero talagang love month ang buwan ng Pebrero dahil ang daming in love na may isyung pinag-usapan sa Startalk nu’ng Sabado.

Una na rito ang bagong engaged na sina Kyla at ang basketbolistang boyfriend niyang si Rich Alvarez. Nakunan ng Startalk ang concert nina Kyla at Jay-R na Soulmates na ginanap sa The Establishment nu’ng Biyernes at parang hiyang-hiya pa si Kyla na ipakita ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Rich.

Sinorpresa raw siya ng basketbolista nang niyaya siya nitong mag-dinner. Pagdating daw nila ng hotel, nagulat siya at nandoon ang buong pamilya at malalapit na kamag-anak nilang dalawa.

Pagkatapos daw nilang kumain, lumuhod na sa harapan niya si Rich at inilabas ang diamond ring na suot-suot na niya ngayon. Hindi pa raw nila pinag-usapan ang kasal, pero malamang na ngayong taon ito. Ang gusto lang daw ni Kyla ay sim-pleng church wedding, pero hindi pa nila pinag-uusapan kung kailan.

Doon nga sa concert, meron sanang surprise si Kyla para kay Rich, pero hindi nakarating ang huli dahil victory party din pala ‘yon ng team nito.

Ngayon daw ay unti-unti nang nagsi-sink in na sa kanya na engaged na siya, pero hindi pa raw niya maisip na mapapawalay na siya sa mga magulang niya.

“Masyado akong attached sa parents ko. Lumaki ako na nasa tabi ko sila, so feeling ko, malaking adjustment for me and malaking pagbabago siyempre na hindi ko na sila kasama everyday. ‘Yun lang siguro, pero ang good thing is malapit lang ‘yung bahay namin, so puwede akong dumalaw everyday pag name-miss ko sila,” sey ni Kyla.

AYAW RING pahuli ang magkasintahang Jay-R at Krista Kleiner! Ang sweet din nila. Talagang all-out ang suporta ni Krista sa concert ni Jay-R. Bago pa sumalang sa stage ang singer-boyfriend, talagang may pabaon pang halik si Krista rito. Nakaw-eksena pa si Krista dahil may papunas-punas pa siya sa pawis ng boyfriend. Ganoon sila ka-sweet. Wish nga nila na sila na talaga dahil seryoso naman daw ang dalawa sa kanilang relasyon.

Ngayong Valentine’s Day, dapat ay may show si Jay-R sa Indonesia, tumanggi ito dahil ayaw niyang magkalayo sila ni Krista sa espesyal na araw na ‘yon. Sasamahan daw niya si Krista sa show nito sa Resorts World kasama si Christian Bautista. Pagkatapos nu’n ay magdi-dinner daw silang dalawa.

Sabi pa ni Jay-R, habang tumatagal ay lalong lumalalim ang kanilang relasyon at lalo niyang minamahal si Krista. “We went through a lot of stuff na. We’re still together We became stronger,” pahayag pa ni Jay-R.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “KYLA, SIMPLENG CHURCH WEDDING LANG ANG GUSTO

Leave a Reply

Your email address will not be published.