Kyla, Magpapakasal na kay Rich Alvarez

MASAYANG ibinalita ni Kyla na last week ay pormal nang hiningi ni Rich Alvarez ang kamay niya sa mga magulang nito. Nag-propose si Rich sa singer sa isang hotel. Kasama ng basketball player ang kanyang buong pamilya. At ang wedding ay this year gaganapin.

Nabanggit din ni Kyla na pagkatapos ng kasal ay sa bahay na ipinapagawa ni Rich sila titira.

Manny Pacquiao, Ipipinta ni Solenn Heussaff

Ikinuwento ni Solenn Heussaff na gusto niyang ipinta ang Pambansang Kamao na ang tema ay nasa gitna ng kalsada na nakatayo, nakatingala sa langit na parang nagdarasal, at nakasuot ng boxing gloves. Naisip daw niya ito dahil nanggaling sa mahirap na buhay si Pacman na kahit yumaman at nakilala na sa buong mundo, hindi raw nito nalilimutang magdasal at magpasalamat sa Diyos.

Samantala, tumungo na ng Estados Unidos ang mag-asawang Manny at Jinkee para makipagkita sa Presidente ng Amerika na si Barack Obama. Iikot din siya para sa promotional tour ng laban nila ni Shane Mosley. Doon na rin magse-celebrate ng Valentine’s Day ang mag-asawa nang hindi nila kasama ang mga anak.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

One thought on “Kyla, Magpapakasal na kay Rich Alvarez

Leave a Reply

Your email address will not be published.