Kuya, Sugatan sa Suwail na Bunso

SUGATAN ANG isang lalaki matapos paghahambalusin ng kahoy ng bunso makaraan ang pagtatalo nang sitahin ng una ang huli sa pananakit sa kanilang ina sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga bukol at sugat sa ulo si Wilfredo Urag, 47, ng 2nd Avenue ng lungsod.

Nadakip naman si Salvador Urag, Jr., 44 ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-3 ng madaling-araw, sinita ng biktima ang suspek dahil sa pananakit sa kanilang matanda nang ina subalit sumagut-sagot si Salvador na naging dahilan ng pagtatalo.

Kumuha ng kahoy ang suspek at pinaghahambalos sa kuya kung saan naawat lang ng mga kaanak.

Dinala sa PDMMMC habang dinakip naman ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.