Kuya ni JC Tiuseco na si Karl Tiuseco, nagpakita ng pututoy sa indie film?!

ALAM KAYA NI JC Tiuseco na pinasok na rin ng kanyang nakatatandang kapatid na si Karl Tiuseco ang pag-aartista. Pero kung si JC ay wholesome ang tinutumbok ng career, ang pa-nganay naman nitong kapatid ay mukhang nalilinya sa paghuhubad sa indie film, kung saan isa ito sa cast ng controversial na Id’nal (Mapusok) ng Ecstatic Entertainment Productions na pinagbibidahan ng limang lalaking palaban sa hubaran, laplapan at pagpapakita ng maseselang parte ng  kani-lang katawan na sina Eirik Cruz, Miguel Alcantara, TJ Morello, Orlando Sol at Anton Nolasco at sa direksiyon ni G.A Villafuerte.

Kung si JC raw ay medyo hesitant sa paghuhubad, taliwas naman daw ito sa kanyang kuya na si Karl, dahil mina-mani lang nito ang paghuhubad sa said film. Tsika nga sa amin ng nakakita ng rashes ng pelikula, kung ilang beses daw babalandra sa pelikula ang mga pututoy ng mga kasali sa indie film na ito.

Ang tanong, kasama kaya sa nagpakita ng pututoy rito ang kapatid ni JC na si Karl? ‘Yan ang ating aalamin sa Nov. 11, sa special advance screening nito sa UP Film Center,7:30 pm. Kaya go na kayo at manood ng Id’nal at magbilang kung ilang beses masisilip ang mga jumbo hotdog ng mga lalaki ng Id’nal. ‘Yun na!

 

KINUMPIRMA MISMO NI Kuya Germs Moreno sa kanyang radio program sa DZBB na tuloy na tuloy ang paggawa ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ng pelikula sa Regal Films, ang Hototay, at si Mother Lily raw mismo ang nagsabi sa kanya nito.

Kaya naman daw walang katotohanan ang balita na shelved na ang nasabing pelikula. Ang hindi lang daw alam ni Kuya Germs ay hindi pa nila napag-uusapan ni Mother Lily kung maisasali pa ito sa Metro Manila Film Festival ngayong December dahil kalat na kalat na ngang ipu-pull out na ito sa MMFF .

Inuunahan lang daw ni Kuya Germs ang mga taong baka magkalat na baka si Nora Aunor ang may dahilan kaya hindi na ito isasali sa MMFF, dahil ang totoo raw ay ang mga makakasama nitong artista sa said movie ang hindi magkatugma-tugma ang schedule. Ayaw na lang daw magbigay ni Kuya Germs ng pangalan kung sinu-sino ang mga ito.

Tsinika rin ni Kuya Germs na tuloy na tuloy rin ang pagpirma ni Ate Guy ng 3-year contract sa TV5, dahil masayang-masaya raw ito sa pag-aalaga ng Singko. Kaya naman daw mananatiling Kapatid artist si Ate Guy for 3 years at masusundan pa ang kanyang mini-serye

 

BALAK BUMALIK SA showbiz ng controversial na young actor na mula sa show ni Kuya Germs Moreno (Walang Tulugan with the Master Showman) at ngayon ay isa nang transgender at isa sa top-contender sa 2011 Amazing Philippine Beauty, na si Zyrene Verano na dating Akiro Verano nu’ng teenstar pa siya.

Tsika nga ni Zyrene, if ever na mabibigyan siya ng pagkakataong makabalik sa pag-aartista, gusto nitong makapareha si Dingdong Dantes dahil bata pa raw siya ay type na type na niya ang hunk Kapuso actor.

Look-a-like ni Iza Calzado si Zyrene na umaming ‘di nahihirapang magkaroon ng BF, pero taken na raw siya at ikinasal na sa kanyang kababatang straight guy na kaibigan na nag-aaral ng pagpupulis. Ito raw ngayon ang buhay ni Zyrene dahil alam daw nitong mahal na mahal siya ng kanyang esposo na through thick and thin ay kasama niya.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Kuya ni JC Tiuseco na si Karl Tiuseco, nagpakita ng pututoy sa indie film?!

  1. bakit may mga kagat ng insekto at allergy ba ang mga putotoy ng mga bidang lalaki,kaya rashes —kong di sure sa spelling GOOGLE muna .now i know…lols

Leave a Reply

Your email address will not be published.