Kuya, Kritikal kay Bunso

KRITIKAL ANG isang mister matapos pagsasaksakin ng nakababatang kapatid makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Ronald Caseja, 42, ng Tuna St., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang nakababatang kapatid ng biktima na si Allison, 18, ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi, nagtatalo ang mag-utol sa loob ng kanilang bahay nang kumuha ng patalim ang suspek at pagsasaksakin ang kuya.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC, kung saan inaalam na kung ano ang pinagtalunan ng mag-utol.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.