Kuya, Kinatay ng 2 Utol

PATAY ANG isang lalaki matapos pagtulungang pagsasaksakin ng kanyang dalawang bunsong kapatid sa loob ng isang videoke house sa may Purok Camya, Barangay Ilaya, Dapitan City dahil sa sobrang kalasingan.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na dakong alas-6:00 ng gabi bago naganap ang insidente, masayang nag-iinuman ang tatlong magkakapatid sa loob ng video house.

Sa kalagitnaan ng sobrang kalasingan, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang magkakapatid na nauwi sa pag-aaway ng biktima na kinilalang si Albert Apul Japay, 42, at ang dalawa niyang bunsong kapatid na salarin na sina Dionesio Apul Japay at si Jigboy Apul Japay, 20.

Matapos ang krimen, iniwan ng mga suspek ang kanilang nakahandusay na kapatid saka tumakas.

Isinugod pa ang biktima sa pagamutan ng mismong may-ari ng video house pero deniklara na itong dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga kinauukulan ang magkapatid.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.