Kuya inutas ni bunso

 

DAHIL SA alitan sa pamanang lupain ng kanilang yumaong mga magulang, pinatay sa taga ng isang lalaki ang nakatatanda nitong kapatid sa bayan ng Santa Maria, Davao del Sur kamakailan.

Agad binawian ng buhay sa tinamong sampung malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nakilalang si Elias Bayot, 34 anyos.

Arestado naman ng mga kinauukulan ang suspek na si Julian Bayot, kapatid ng biktima.

Base sa report, galit na kinumpronta ng salarin ang kanyang kapatid dahilan umano sa hindi patas na hatian sa pamanang lupain ng kanilang namatay na mga magulang.

Ikinatuwiran ng biktima na siya ang mas matanda kaya dapat ay lamang siya sa hatian.

Dahil sa matinding sama ng loob, kinuha ng suspek ang bagong hasang itak sa kanilang kusina at inundayan ng taga ang kanyang kuya hanggang sa malagutan ng hininga.

Samantala, sinampahan na ng mga awtoridad ng kasong Parricide ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.