Kuya, Ibinuwis ang Buhay Para sa Utol

ISANG 50-ANYOS na lalaki ang ibinuwis ang sari-ling buhay para iligtas ang buhay ng kanyang naghihigalong nakababatang kapatid na binabaril ng isa sa dalawang hindi nakikilalang riding in tandem sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Si Reynaldo Ocampo, ng GSIS Subd., Brgy. Talipapa ng nabanggit na lungsod ay namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng dalawang tama ng bala ng hindi pa nabatid na kalibre ng baril sa dib dib at tiyan.

Ayon kay PO3 Alejandro Billedo ng Station Investigation and Detective Managemen Branch (SIDMB) ng Calocan PNP at may hawak ng kaso, tinangka ni Reynaldo na pigilan ang gun man sa pagbaril sa kanyang nakababatang kapatid na si Jerry Ocampo, 42.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni Billedo, dakong alas-8:00 ng u-maga nang maganap ang nasabing insidente, may 50 metro ang layo mula sa bahay ng magkapatid sa nasabing lugar.

Nabatid, bago umano maganap ang nasabing insidente ay kasalukuyang sakay si Jerry ng kanyang motorsiklo nang biglang dumating ang dalawang hindi nakikilalang suspek na pawang sakay ng isang kulay asul na Honda XRM.

Kaagad na pinagbabaril ng isa sa mga suspek si Jerry na tinamaan sa ulo at dalawa sa likod at sa kabila ng mga tinamong tama ng bala ay nagawa nitong makatakbo pa patungo sa kanilang compound subalit hinabol pa rin ito ng mga suspek para pagbabarilin uli.

Sa puntong ito ay nakita ni Reynaldo ang kanyang duguang kapatid na halos mamamatay na kaya mabilis nitong nilapitan ang gun man para pigilan subalit maging si Reynaldo ay pinagbabaril din ng gun man na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Ang riding in tandem ay mabilis na nagsitakas sa hindi nabatid na direksiyon at si Jerry naman ay mabilis na dinala sa Saint Teresa hospital sa Quezon City kung saan ito ay inoobserbahan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-up operation ang Caloocan PNP sa posibleng ikadarakip ng mga salarin at ikalulutas ng nasabing pagpatay.

(ROMAN MAGPOC)                 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.