Kuya Germs, nagsalita na sa live-in isyu nina Jake Vargas at Bea Binene

Jake-Vargas-Bea-Binene-German-MorenoPINASINUNGALINGAN NI German Moreno ang naglabasang nagli-live-in na sina Bea Binene at alaga niyang si Jake Vargas sa launching ng Kambal Sirena.

Ask namin kung totoong nag-away na umabot pa raw na nagsabunutan ang nanay ni Bea at utol ni Jake dahil sa pagli-live-in daw nina Bea at Jake.

“Not true! Hindi nag-away ang nanay ni Bea at kapatid ni Jake. Nagalit at nagkatampuhan ang mag-ina (Bea at mother nito) dahil ‘di nagustuhan ng mother ang ginagawang holding hands ng dalawa.

“Kinausap ko ang mother ni Bea para sabihin na natural na mag-holding hands ang dalawa (Bea at Jake) dahil magka-loveteam. Ngayon kung dumating sa punto na nagsasama ang dalawa na wala kaming alam, doon kami na dapat maalarma.

“Eh, walang katotohanan ang mga balitang nag-live-in ang dalawa. Tahimik na tao kasi si Jake at hindi ‘yan nagpapatol sa mga intriga. Naawa nga siya kay Bea sa mga nangyayari,” pahayag ni Kuya Germs.

Samantalang nang kumustahin namin si Kuya Germs sa plano nila ng tinanghal na X Factor Israel champion na si Miss Fontanes na isang bonggang concert.

“Wala na akong communication sa kanya. Dumating ng bansa, eh wala nang contact sa kanya. Samantalang nang mag-usap kami sa phone nang manalo siya ay okey raw at walang magiging problema raw na gagawa sila ng concert,” say ni Kuya Germs.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.