Kuya Germs Moreno, maggi-give up lang ‘pag wala nang sumisigaw ng ‘walang tulugan’

German-MorenoSA FEBRUARY 8, isiselebra ng Walang Tulugan with the Master Showman ang kanilang 18th anniversary, at kung may taong sobrang saya at excited sa araw na ito, walang iba kung hindi ang Master Showman na si Kuya Germs Moreno.

At kahit nga may mga batikos at may mga nagsasabing sa sobrang late na ng pagpapalabas nito (12:30 Midnight) at wala na raw nanonood sa show, dahil karamihan ay tulog na ang mga tao, hindi na lang ito pinapansin ni Kuya Germs. Bagkus ay ang mga positibo na lang na komento ang ine-entertain nito.

Ayon nga kay Kuya Germs, “Siguro ‘yung mga nagsasabi nang ganyan, sila itong hindi nanonood. Eh, ‘yung mas nakararami at halos buong mundo at kahit saang bansa kami pumupunta eh, sumisigaw ng ‘walang tulugan’ eh, ganu’n karami ‘yung mga nanonood.

“Oh, my God! Sumabay sila sa akin sa paglakad, para makita at marinig nila na halos lahat ng daanan ko, sumisigaw ng ‘walang tulugan’. At kahit sa ibang bansa, kahit saan ako pumuntang lugar like sa Amerika at Canada, ang isinisigaw nila ‘walang tulugan’. Sinasabi nila na mas pinapanood nila ang Walang Tulugan kaysa sa ibang show. ‘Yun ba ‘yung walang nanonood?

“Tsaka kung wala nang sumisigaw sa akin nang ganu’n sa tuwing may pupuntahan ako, eh hihinto na ako. Give up na ako. Kasi ibig sabihin, totoo na wala na talagang nanonood sa akin.

“Pati mga bata nga, ‘yung mga tsikiting sumisigaw ng ‘walang tulugan’, mga bata na ‘yun! ‘Di ba nakagugulat, kasi ibang klase ‘pag mga bata na ‘yung nakakikilala sa ‘yo at sa show mo,” pagtatapos ni Kuya Germs.

 

MARIING PINABULAANAN ng young actor na si Kiko Estrada ang napapabalitang may namumuong relasyon sila ng Paraiso Ko’y Ikaw lead actress na si Kim Rodriguez, dahil na rin sa malimit na pagsasama nito sa mga lakaran.

Tsika nga ni Kiko nang makausap namin sa DZBB 594 nang pasyalan nito ang kanyang ninong na si Kuya Germs Moreno, “Katulad ng sinabi ni Kim sa mga interview niya na friends lang kami, natatawa nga kami, kasi marami ang nagtatanong sa amin ‘pag magkasama kami kung kami na nga ba. Kasi nabasa raw sa dyaryo.

“Sinasabi na lang namin na magkaibign lang po kami. At kahit nga ‘yung iba parang hindi naniniwala, sinasabi na lang namin na sobrang close lang kami talaga.

“Pareho naman kasi kami ni Kim na mas priority ang career. Naging close kami sa shooting ng indie film namin, ‘yung Chasing Boulevard, kaming tatlo nila Teejay ( Marquez ). Kaya after naming gawin ‘yung pelikula, naging mas bonded at mas naging close kaming tatlo, parang pamilya na kami. Silang dalawa (Kim at Teejay ) ang itinuturing kong bestfriend sa showbiz at sa labas na rin ng showbiz.

“Pare-pareho kaming nasasabi namin ‘yung mga personal na bagay sa amin sa isa’t-isa. Nasasabi namin sa bawat isa sa amin ‘yung mga problema namin at magkakasama din kaming lumalabas .

“Si Kim kasi very sweet at sincere na kaibigan ‘yan, kaya siguro naging close ako sa kanya, kumbaga barkada kami. Naa-apreciate ko ‘yung friendship na ibinibigay niya sa akin at sinusuklian ko din ‘yun bilang isang mabuting kaibigan. Tsaka sa amin mas gusto naming mag-concentrate sa work, work comes first bago ‘yung pagkakaroon ng karelasyon.

“ We talk a lot of things, about our family, problem, work at personal life, nag-uusap din kami ng mga secret namin na kami lang ang nakaaalam. Ganu’n kami ka-close tatlo, kaya masaya ako na nakatagpo ako ng tunay na kaibigan sa kanilang dalawa,” pagtatapos ni Kiko.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.