Kuya Germs, may tampo sa Siyete

German-MorenoHINDI NAMAN itinatago ni German Moreno na may tampo siya sa GMA 7, dahil ginawa nga raw siyang consultant pero hindi naman daw kinukunsulta.

Nanghihinayang kasi si Kuya Germs sa mga baguhang talent ng Kapuso na hindi nabibigyan ng tamang project.

Sa tagal nga naman ni Kuya Germs sa showbiz, alam niya kung paano patakbuhin ang showbiz lalo’t paano pasisikatin ang isang baguhan or paano ito makikilala ng masa.

Dapat na sigurong ipagkatiwala kay Kuya Germs ang pamamalakad ng GMA Artist Center para mabigyan ng tamang exposure or maipakilala sa masa ang mga baguhang talent dito na may kakayahan namang sumikat.

Hindi naman ikinaila ni Kuya Germs na inalok siya noon ni Ms. Charo Santos para mamahala sa Star Magic na noon ay ABS-CBN Talent Center, pero mas pinili niyang manatili sa Kapuso Network.

Again nanghihinayang kasi si Kuya Germs sa mga artistang may potential na napapabayaan ng GMA na dapat ay inaalagaan gaya ng ginawa niyang pag-aalaga niya sa mga sumikat na artista noon.

Bakit nga kaya hindi ipagkatiwala na lang kay Kuya Germs ang pamamalakad ng GMA Artist Center para naman makilala ng tao ang mga baguhang talent ng Siyete na may kakayahang maging isang sikat na artistang balang araw.

Kapag may ipinakilala yatang bagong talent or bagong contract star, iilan lang ang naiimbitahang press para magsulat kung sino ang bagong talent nila.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Kuya Germs, may tampo sa Siyete

Leave a Reply

Your email address will not be published.