Kuya Germs, mas type magkaroon ng drama soap

German-MorenoAFTER A year, ngayon lang daw muli nagkaroon ng regular soap sa GMA 7 ang nag-iisang Master Showman na si Mr. German “Kuya Germs” Moreno at ito ay sa newest soap ng Kapuso Network na Niño na mapapanood na ngayong Mayo.

Kuwento nga ni Kuya Germs, “At last! Isang taon na yata o sobra pa nang magkaroon ako ng regular soap. Para yata ‘yung title. Hahaha! Pero happy ako, kasi ngayon meron na naman akong soap na sasamahan, ito ngang Niño.

“Tinatanong ko nga sila, eh (GMA bosses) kung may drama ako. Naghihinayang nga ako kasi hindi nagagamit ‘yung gusto mong gawin. Mas gusto kong gumawa at mapasama sa drama soap, kasi alam naman natin ‘yung mga taong nanonood sa kani-kanilang bahay, kapag drama ‘yung pinapanood nila, mas nakatutok at mas nakako-connect sila. Kaya nga, I’m expecting na may drama ‘yung role ko sa Niño.

“Pero I know, maganda ang Niño, dapat nilang panoorin para malaman nila ang kaugnayan ng Sto. Niño rito sa soap namin.” Pagtatapos ni Kuya Germs.

 

“WALANG TOMBOY sa amin, babae kami lahat!” Ito ang naging paghayag ng isang miyembro ng pinakabagong pasisikatin ng kaibigan naming si Lito De Guzman ang all-female group na Batchmates na hindi lang mahusay kumanta kung hindi magaling ding sumayaw, sa katanungang kung katulad ba sila ng Mocha na may miyembrong tomboy.

Palaban nga pagdating sa hatawan sa dance floor at pagalingan sa pag kanta ang lahat ng miyembro ng Batchmates na kinabibilangan nina Aura, Cath, Jonah, Marie , Sophy at Vassy.

Nakapaloob sa kanilang album ang 5 sure hit songs na “Feel Like Dance (Revival)”, “Boom Boom”, “‘Di Na Mahal”, “Giling”, at “Hora”  na mula sa mahusay na komposisyon nina Kazuhiro Watanabe at Blanktape.

Dagdag pa ng Batchmates na wala raw silang balak makipagkumpitensiya sa ibang all-female dance group. Nandirito raw sila para magtrabaho at magbigay-saya at aliw sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pagkanta at pag sayaw.

 

NAGING MATAGUMPAY ang dalawang shows kung saan kasama ang UPGRADE last May 4 na ginanap sa Ever Gotesco Ortigas sa parking lot sa imbitasyon nina bestfirend Jireh at Ms Mj. Nakasama ng UPGRADE sina Kate Lapuz, Joshua Joffe at Benjamin De Guzman.

Sinundan ng Jampacked show sa Zirkoh Tomas Morato para sa SPINNER Party, kung saan nagbigay ng kani-kanilang performance ang mga SPINNER ng TV5 mula kina Stephany Dan, Donnalyn Bartolome, Rain, Aldreg,  Lans, Bryan, Kevin Wryan, Princess, Cyrus, Milo  Lawrence, Rapha, Mathew at special guest ang grupong Freshmen at 5ive.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.