Kuya Germs, maraming isasakripisyo sa bagong serye?

German-MorenoMAGANDA ANG umaga ni Kuya Germs Moreno nang makita namin sa GMA 7. Ang dahilan ay nabigyan siya ng role sa Niño na malapit nang umere sa Kapuso Network.

Sa tuwing makakausap namin si Kuya Germs, lagi nitong nasasabi na artista rin siya na naghahanap ng project na puwede niyang gampanan. At lately nga, natupad ang matagal na rin niyang hangad na mapasama at mabigyan ng role sa isang primetime series sa TV.

Bukod kasi sa makasasama na siya sa serye, makasasama pa niya ang bestfriend na si Ms. Gloria Romero. Barangay captain ang role ni Kuya Germs sa Niño na naghahangad kung paano mapapanatiling maayos at maganda ang barangay.

Ang tanong ay kung makakaya kaya ni Kuya Germs ang pagte-taping ng Niño dahil kadalasan daw ay sa Laguna ang location? Paano na ang kanyang radio program na everyday napakikingan at iba pa niyang commitment?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.