KUYA GERMS, INISNAB NI SHALALA?!

PINABULAANAN NG JUICY mainstay na si Shalala ang balitang dinaan-daanan na lang at hindi na nito pinansin ang kanyang mentor na si German ‘Kuya Germs’ Moreno sa isang event na pareho nilang dinaluhan.

Tsika ni Shalala, malabo raw mangyaring hindi niya babatiin man lamang si Kuya Germs dahil malaki ang respeto at pasasalamat niya sa Master Showman. Dagdag pa niya, kung hindi dahil kay Kuya Germs ay wala siya sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Utang na loob daw ni Shalala sa batikang TV host kung ano man ang kasikatang tinatamasa niya ngayon. Kaya naman daw huwag na silang intrigahin at gawan ng issue. Kahit ano man daw ang marating niya sa showbiz, hinding-hindi mababago na nagsimula siya at unang nakilala sa Master Showman at sa DZBB kasama si Kuya Germs.

MAY DALANG BUWENAS ang SexBomb sa noontime variety show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey dahil mula nang maging regular guest ang mga ito sa show, gumanda na raw ang takbo nito sa ratings game.

Mukhang marami ang na-curious at talagang nag-abang sa guesting ng SexBomb sa show, kaya naman plano na yata ng Dos na maging semi-regular na ang grupo sa show.

Hindi man nito maungusan ang katapat na Eat Bulaga na nananatili sa Number 1 spot, nagpakita naman ang Happy Yipee  Yehey ng  lakas at pagtaas ng ratings nung pumasok ang SexBomb. Kaya naman happy daw ngayon ang mga tao sa likod ng show dahil positibo ang dala ng all-female group.

Speaking of SexBomb, magkakaroon sila ng summer workshops sa acting at dance (jazz, hiphop, retro) para sa 6 to 12 years old kids at 13 years old and above naman for teens and adults. Ang grupo mismo ang magsu-supervise nito.

Nagsimula na ang registration last March 15. Sa mga interesadong mag-summer workshops, makipag-ugnayan at tawagan lang sina Kuya Butch at Ate Bien sa 982-4467.

BLIND ITEM: SINO itong sumikat na sexy star na isang probinsiyana at nakilala kasama sa all-female group ang sinasabing nagpalaglag daw ng dalawang beses nu’ng kanyang kabataan? Ang una daw ay nu’ng siya ay 14 years old at sumunod nu’ng 15 years old na siya.

Maaga raw kasing na-in love ang sexy star at naging mapusok at umabot nga sa pakikipag-live-in sa murang edad, kaya naman maaga rin itong nabuntis. Dahil hindi pa handa, kaagad naman niya itong ipinalaglag na inayunan naman daw ng kanyang bagitong ka-live in noon.

Hindi rin daw nagtagal ang relasyon ng sexy star at ng kanyang ka-live-in dahil pagkatapos mabuntis at magpalaglag, iniwan din ito ng batang kinakasama at umuwi sa kanyang pamilya.

At dahil hindi raw nito matanggap ang pag-iwan sa kanya, lumuwas ito ng Maynila, tuluyan na nagwala at pumatol kung kani-kaninong lalaki. Naging laman din siya ng iba’t ibang bar, ang naging ending nito ay ang pagsabak sa mundo ng hubaran. Sinuwerte naman na nakilala bilang isa sa primera at kontrobersyal na sexy star ng bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

17 thoughts on “KUYA GERMS, INISNAB NI SHALALA?!

  1. ,trying hard nmn tong Hapi Yupi Yucky na to….praise release eh ang baba nga ng rating ni walang in house sponsors hahahaha..hinde kayo kinakagat ng mga big advertisers… walang may K sa inyo. spaghetting pababa pababa ng pababa ratings nyo araw araw..nakakahiya kayo tapos sabihin nyo number 1.. noontime nga.. hinde nyo maiangat. lugi pa kayo sa sahod ng mga host nyo jan sa show sa kinikita ng Hapi Yupi Yucky nyo. ..hahaha

  2. pussymonters, gusto mong mag-sponsor sa HYY? Ito naman si chuvaness, praise release daw o! bwahahaha. Tagalugin mo na lang kasi eh para hindi ka mag-nose bleed. Hay nako, mga kapuso, manood na lang kayo sa Siete, di naman kayo pinipilit ng Dos na manood sa kanila. Yung WW, yun ang parang spaghetti na pababa ng pababa at hindi na makaagapay sa TV Patrol. Paki namin kung mababa ang ratings ng HYY, at least meron napapanood. :-)

  3. ano ba nangyayari sa noontime ng channel 2?? ang dami ngv daw host ng Hapi Yucky na yan eh wala namang sponsors.. naka dalawang pacing na sila ng shows nila ang eatbulaga nag advertisements pa din..pati inhouse sponsors ng eatbulaga halos tig 5 hanggang 10 ang sponsors per game, ang Happy Yucky na yan wala man lng sponsors kada game..nang hihingi na lng ng abuloy ang mga hosts sa sarili nilang sponsors para ipamigay sa audience..kawawa nmn tong show na to mag iisang buwan na wala pa din..so sad.

  4. .trying hard nmn tong Hapi Yupi Yucky na to….praise release eh ang baba nga ng rating ni walang in house sponsors hahahaha..hinde kayo kinakagat ng mga big advertisers… walang may K sa inyo. spaghetting pababa pababa ng pababa ratings nyo araw araw..nakakahiya kayo tapos sabihin nyo number 1.. noontime nga.. hinde nyo maiangat. lugi pa kayo sa sahod ng mga host nyo jan sa show sa kinikita ng Hapi Yupi Yucky nyo. ..hahaha

    • praise release tlg? baka press release! ano ba yan, shonga shonga mo nmn. maliwanag ang sabi, di ka lng marunong magbasa or umintindi.. ang sabi " Hindi man nito maungusan ang katapat na Eat Bulaga na nananatili sa Number 1 spot, nagpakita naman ang Happy Yipee Yehey ng lakas at pagtaas ng ratings nung pumasok ang SexBomb. Kaya naman happy daw ngayon ang mga tao sa likod ng show dahil positibo ang dala ng all-female group." hindi sinabi na number mismo ang HYY. bobo mo nmn, bago ka mgcomment, basahin mo muna mabuti ang sabi sa article, excuse me!

  5. trying hard nmn tong Hapi Yupi Yucky na to….praise release eh ang baba nga ng rating ni walang in house sponsors hahahaha..hinde kayo kinakagat ng mga big advertisers… walang may K sa inyo. spaghetting pababa pababa ng pababa ratings nyo araw araw..nakakahiya kayo tapos sabihin nyo number 1.. noontime nga.. hinde nyo maiangat. lugi pa kayo sa sahod ng mga host nyo jan sa show sa kinikita ng Hapi Yupi Yucky nyo. ..hahaha

    • Bakit, nung bang nagsisimula pa lang ang WW, meron na agad silang advertisers? Okay lang kung mababa ang ratings, at least meron choices ang mga tao na panonoorin dito sa abroad. Buti na lang at napalakol na ang Diz Iz It dahil mas pagtitiyagaan kong panoorin ang HYY kesa duon anoh! Sobrang cheesy. :-)

  6. KAPAL NAMAN NITO SI SHALALA PALUBOG NA JUICY MO ANU KANA NGAYON MASYADO KA KASING FEELING SIKAT AYAN BALIK KA ULI SA PANG 12MN NA PALABAS TUTAL MUKHANG PANG HORROR NAMAN MUKHA MO. MALAKI RESPETO AT UTANG NA LOOB MO KE KUYA GERMS EH BALIK BINABLIND ITEM MO AT GINAGAMIT SA SA JUICY PARA MAOKRAY??? KAPAL NAMAN NITONG BAKLANG MUKHANG BABOY DAMO. MAHIYA KA NGA SA BALAT MONG MAASKAD PWE

Leave a Reply

Your email address will not be published.