Kuya Germs, happy sa tagumpay ng pagbabalik ng bodabil

German-Moreno-Pilita-CorralesLABIS-LABIS ANG kasiyahan ni Kuya German Moreno sa magandang turnout ng kanyang produced show na “Voudeville is Back” topbilled by Asia’s Queen of Songs Ms. Pilita Corrales, kasama ang Wing Duo (Angie and Nikki), na ginanap last Friday sa Club Mwah sa dami ng taong nanood.

Kung saan sinuklian ng hiyawan at malakas na palakpakan ang bawat awitin nina Ms. Pilita at Wing Duo. Ilan sa naging part ng show ay ang Franciscan Quintet na pinahanga ang mga manonood sa galing umawit, Pilyo, Ken Chan, Michael Pangilinan, Follies De Mwah at sina Mr. John Nite, Ms. Jackilou Blanco at Shirley Fuentes na nagsilbing host din ng show.

Napaluha naman si Kuya Germs nang awitin nito ang kanyang paboriong kanta na “Hanggang”. Dumalo naman at nanood sina Ms. Gloria Romero, Darius Razon at ilang artistang inabot ang bodabil.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.