Kuya Germs, ginagawang sinungaling ni Bea Binene?!

“’WAG NIYA akong palabasing sinungaling dahil hindi ako nagsisinungaling. Totoo ang sinasabi ko na nagkatampuhan sila ni Jake, dahil nag seselos siya!”

Ito ang naging sagot ni Kuya Germs Moreno sa naging pahayag ni Bea Binene na wala raw tampuhan at selosang  nagaganap sa kanila ng kanyang ka loveteam na si Jake na alaga ni Kuya Germs, dahil magkaibigan lang daw silang dalawa at lagi naman daw silang magkasama sa taping ng kanilang show na Home Sweet Home.

Maalalang kumalat ang isyung nawala si Jake nang isang araw at hindi umuwi sa kanilang tahanan na ang dahilan nga raw ayon na rin kay Kuya Germs ay nagkaroroon ng tampuhan ang dalawa kaya naman daw umalis si Jake.

“Kung ano ‘yung sinabi ko, ‘yun ang totoo. May mga tistigo ako. Nandyan si Tito Noli, kapatid ni Jake na si Lani, maging ang mga Jabea, kaya ‘wag niyang (Bea) palabasing hindi totoo ang sinasabi ko.

“Totoo namang nag selos siya. Akala niya may girlfriend si Jake na taga-ABS-CBN. Eh, hindi naman taga-ABS-CBN ‘yun. Tsaka si Jake, lapitin talaga ng mga babae ‘yan, pero wala naman talaga ‘yun para sa kanya.

“Nagkataon lang na nagpalitrato kay Jake at nakaakbay ito, akala na kaagad girlfriend ito ni Jake, pero hindi naman. May mga pagkakataon pa nga na fan sign na ‘I love you’ at mga ganoong bagay.

“Masyadong mabait si Jake. Kapag may nagpapakuha ng ganoon, pinagbibigyan niya, ‘tapos pino-post sa Internet. Kaya ang payo ko kay Jake, iwas siya sa mga ganoon para hindi napagbibintangan ng kung anu-ano .

“Basta ako, nagsasabi ako ng totoo. Kahit nanay niya, alam ang totoo. ‘Wag niya akong pilitin na magsalita pa, dahil marami pa akong alam,” pagtatapos ni Kuya Germs.

 

ANG MAKAPAREHA ang ABS-CBN Star na si Julia Barretto ang dream ng Kapuso newest actor na si Patrick Ramirez na alaga ng kaibigan naming si Jovan Dela Cruz ng F & S Tailors at regular na napapanood sa Walang Tulugan with the Mastershowman.

Tsika pa nga ni Patrick na gandang-ganda raw ito kay Julia nu’ng first time nga raw nitong nakita ang Kapamilya young star, nagka-crush na kaagad ito. Kaya naman daw given a chance na mabigyan siya ng pelikula, gusto niyang makasama sa isang drama/ love story si Julia. Dahil alam naman daw nitong malabo na makapagsama sila sa telebisyon dahil magkaiba sila ng TV network.

At the age of 15, 5’10” na ang height ni Patrick na gusto ring makilala bilang isang sikat na modelo. Kaya naman daw everytime na may ilo-launch na bagong designs ang F & S Tailors, isa ito sa rumarampa. Bukod sa galing sa pagrampa, magaling ding umarte at umawit ang young actor na ito na puhunan daw niya sa kanyang pagpasok sa showbiz.

 

HINDI NA nga mapipigil pa ang pag-elevate ng career ni Shalala dahil may solo movie na rin ito, ang Echoserang Frog, mula sa direksiyon at produksiyon ni Joven Tan.

Star-studded nga raw sa dami ng magiging guests dito sa pelikula ni Shalala, kaya naman daw very thankful ito sa mga kaibigan niyang artista na susuporta at magka-cameo sa kanyang first movie.

Pero ayon kay Shalala, wala raw siyang love interest o ka-loveteam dito. Pero if ever daw na bibigyan siya, gusto niyang si Derek Ramsay ang kanyang makaulayaw.

“Ang alam ko wala. Pero if ever na bibigyan nila ako, ang gusto ko si Derek Ramsay , tapos may love scene kami, babaeng-babae lang ang peg, ‘di ba?! Ang tanong papayag kaya si Derek?” natatawang pahayag ng magaling na komedyano.

Sa ngayon daw, nakaka-second shooting days na si Shalala at clueless nga raw siya kung sinu-sino sa mga kaibigan niyang artista ang makakasama niya sa shooting.

 John’s Point
by John Fontanilla

loading...

10 thoughts on “Kuya Germs, ginagawang sinungaling ni Bea Binene?!

  1. naalala ko ang kalupitan ng secretary ni kuya germs na si ate remy or pepay napaka sama ng ugali kaya di kame naglalapit kay jake e.paki pagsabihan naman kuya germs.

  2. Kinakasangkapan pa kasi ni lola Germs si Bea Binene sa pagtakas ni Jake Vargas kay lola Germs dahil sakal na sakal na yung bagets sa kanya.

  3. HAYNAKU, ANG PINAG-AAWAYAN LANG NAMAN NG DALAWANG YAN AY SI JAKE VARGAS HAHAHAHAHA! KASI NAMAN MUKHANGAYAW NI KUYA GERMS NA MAY KAHATI KAYA IMBYERNA SIYA KAY BEA BENINI HAHAHAHAHAHA!

    SINO NAMAN ITONG PATRICK RAMIREz? ISA NA NAMAN SA MGA DA WHO, SINCHA, STARLET NG KAPUPO STATION? HAHAHAHAHAHAHA! DUMARAMI NA HUH!

    NAKU, KELANGANG IHANDA NA NI SHALALA ANG LOOB NIYA DAHIL TIYAK NA FLOPSINA PA SA FLOPSINA ANG PELIKULA NIYA HAHAHAHAHAHA! IN FERNEZ BAGAY SA KANYA ANG ECHOSERANG FROG KASI MUKHA TALAGA SIYANG PALAKA HAHAHAHAHAHAHA! KALOKAH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.