Kuya Germs fumes over news on internet that he’s dead!

“MATAKOT SA BALIK ang taong nagkalat ng balitang patay na ako! Baka buwelta sa kanila ‘yung ginawa nila sa akin.”

Ito ang naging pahayag ni Kuya German Moreno nang makausap namin kaugnay sa morbid na balitang yumao na ito last May 25 na kumalat sa iba’t ibang internet sites.

Tsika nga ni Kuya Germs, kasalukuyang nasa Greenhills daw siya nang kumalat ang nasabing balita. Tinawagan na lang daw siya ni Mr. Rams David at sinabi sa kanya ang ‘di magandang balita na ikinagulat ni Kuya Germs.

Kaya naman ang ending, pinutakti ng tawag si Kuya Germs mula sa malalapit na kaibigan at maging ang mga TV crew mula sa iba’t ibang talk shows at news sa GMA-7, at maging sa ibang TV networks ay naging laman ng balita si Kuya Germs. Isa pa ngang malapit nitong kaibigan sa California na si Aya Talampas ay kamuntik-muntikan pang umuwi dahil umabot daw hanggang Amerika ang nakapangingilabot na balita.

 

TWENTY FIVE DAYS daw ang ginawang pagda-diet ni Dingdong Dantes, bago ito nag-pictorial para sa June edition ng Men’s health magazine, kung saan kitang-kita rito ang ganda ng katawan ni Dingdong.

Very thankful nga raw ang mahusay na aktor dahil ito raw ang pangatlong pagkakataon na naging cover siya ng nasabing magazine, kaya naman daw talagang pinaghandaan niya ito at pinaganda niya ang kanyang katawan.

Balita pa nito na after ng I Heart You Pare ay ang kanyang galing sa pagho-host naman ang mapapanood ng kanyang mga tagahanga sa kanyang next project sa GMA-7. Pero may isang soap pa raw siyang gagawin bago matapos ang taon.

 

HANGGANG NGAYON AY nagngingitngit ang mga Noranians sa pambabastos sa kanila ng writer ng Face to Face na nagngangalang Gracia noong ini-interview ang isa sa solid Noranian at super close sa nag-iisang Superstar, na si Albert Sunga para sa Birthday special ng Paparazzi kay Ate Guy. Kung saan nag-dialogue daw ng di magagandang salita si Gracia patungkol kay Ate Guy na labis na ikinagalit ng mga Noranians.

Tsika nga ng isa pa sa talaga namang solid Noranian at talaga namang ilalaban ng patayan si Ate Guy na si Attorney Jojo Affable na ipapaabot na nila kay Mr. Manny Pangilinan (owner ng TV5) at Mr. Percy Intalan ang ‘di magandang ginawa ni Gracia.

Dagdag  pa ni Jojo na ‘wag lang silang magpapang abot ni Gracia dahil hindi nito alam ang puwede niyang gawin sa taklesang writer bunga na rin sa panlalait sa kanilang idolo. Wala naman daw ginawang hindi maganda sa kanya si Ate Guy para alipustahin nito ng ganu’n-ganu’n na lamang. ‘Yun na!

 

ISA SA MALAKI ang laban among candidates ng Ginoo at Binibining San Rafael 2011 ang 16 years old ,guwapo , matangkad at morenong si Jap dela Cruz na isa ring modelo at kaga-graduate lang ng high school with honor (11 medals).

Taglay ni Jap ang katangian ng isang tunay na Ginoo ng San Rafael, matalino, guwapo, matangkad at talented. Kaya naman sa mga gustong bumoto kay Jap, i-click lang ang site sa Facebook ng Ginoo at Binibining San Rafael 2011 at i-click ang photos ng mga Ginoo at i-like ang photo ni Jap dela Cruz.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Kuya Germs fumes over news on internet that he’s dead!

  1. sana pag usapan naman natin dito ang mga guapo tulad ni long mejia, bentong, onyok at brownie. yan ang mga matinee idol ko

  2. nagpapapansin lang yang si Ate Germs. palibhasa eh mashonda na, nauubusan na ng boylets kasi hinahatian pa sya ni Ate John Nite sa hada… so kelangan ng ingay para mabuhay ang bangkay.. este ang career…

  3. patay na nga, matagal ng patay yung career ni Kuya Bading Germs lalo na nung iwan siya ni Shalala hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.