Kuya Germs, ‘di raw masama ang loob kay Nora Aunor


MARIING PINABULAANAN
ni Master Showman himself Kuya German Moreno na masama ang loob niya sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na kadarating lang kamakailan mula sa pagpapagamot sa Amerika.

Ayon kay Kuya Germs, wala raw katotohanang masama ang loob niya kay Ate Guy o kahit tampo man lamang. Wala naman daw rason kung bakit kai-langan niyang magalit kay Ate Guy.

Sa tagal daw ng kanilang pinagsamahan, wala nang tampo-tampo sa kanila, what more magalit pa. Tsika pa nito na may mga tao lang daw sigurong gusto silang pag-awayin kaya nagkakalat na may sama siya ng loob kay Ate Guy.

Okey na okey raw sila ni Ate Guy at mananatiling maganda ang samahan dahil parang pamilya na ang turingan nilang dalawa na everytime na kai-langan nila ang isa’t isa ay lagi lang silang nandyan para dumamay. Hindi raw basta-basta na lang masisira ng maling balita ang kanilang samahan, dahil sinubok na raw ng panahon ang kanilang pagsasama. ‘Yun na!

 

HAPPY ANG dalawa sa discovery ni Kuya Germs sa Walang Tulugan with the Master Showman na sina Mega Ohlala at Jana Chuchu, dahil bukod sa pagiging regular mainstay ng WT ay pareho pa itong may mga pelikula.

Una nang napanood si Jana Chuchu sa indie film na Kapa (Love is Blind) ng Sunflower at Fortune Productions na ilang linggo ring napanood sa piling-piling sinehan. Samantala, kasama naman si Mega Ohlala sa Just One Sumer ng GMA Films na ipalalabas sa Aug. 15. Bukod pa sa regular din silang napakikinggan sa DZBB 594 Walang Siyesta kasama ni Kuya Germs from Monday to Friday, 2:30-3:30PM.

Bukod sa kani-kanilang pelikula, nakatakda rin daw magkasama ang mga ito sa indie film na Sabit na any day from now ay gigiling na ang camera at naka-takdang ipalabas within the year. Kaya naman daw masaya ang dalawa dahil kahit hindi pa sila masyadong nagtatagal sa WT at Walang Siesta ay marami na ang nakapapansin sa kanila at kinukuha na sila sa mga show at pelikula.

 

VERY THANKFUL si Hiro Magalona kay Kuya German Moreno na ama-amahan nito sa showbiz dahil ito ang kauna-unahang tumulong sa kanya.

Isa kasi si Hiro Magalona sa binaha dulo’t ng ilang araw na walang tigil na pag-ulan. Ikinuwento nga ng Kapuso young actor na eksakto alas-dos ng madaling-araw ng Agosto 7 nang tumaas ang tubig sa kanilang lugar sa Goodwill Subdivision sa Novaliches, kaya naman dali-dali silang lumikas.

Ayon kay Hiro, hanggang tuhod pa lang ang baha sa kanilang lugar, pero ilang minuto lang ang lumipas ay bigla itong tumaas nang limang talampakan. Mabuti na lang daw ay nakalikas kaagad ang kanilang pamilya sakay ng kanilang dalawang sasakyan, dahil kung hindi ay baka inabot sila ng malaking baha.

Hindi nga raw nito napigilang maiyak dahil wala man lamang silang naisalba sa kanilang gamit at hindi naisara ang kanilang bahay bago umalis. Kaya naman ang halos karamihan ng kanilang gamit at kasangkapan ay inanod na ng baha.

Kahit nga raw nasalanta ay nagawa pa ng young actor na pumunta ng kabilang subdivision para tumulong sa kanilang kaibigan para mailikas ang mga gamit. At habang rumaragasa ang malakas na agos ng baha ay nagawa pa ni Hiro na i-save ang isang tuta na kamuntik-muntikan nang malunod.

Nagpapasalamat na lang daw si Hiro sa Diyos dahil walang nasaktan sa kanyang pamilya. Hindi na lang daw nito iniisip ang mga gamit na kanyang naipundar na inanod ng baha, dahil makakabili pa rin naman daw siya ng mga ito. Ang mahalaga raw ay sama-sama pa rin silang magpapamilya na nakaligtas.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Kuya Germs, ‘di raw masama ang loob kay Nora Aunor

  1. ganyan kababoy at kawalang modo ng mga fans ni Vilma,, parang yung idol nila partida pa, di pa raw sila adik nyanha aha ha ha ha 

  2. di na masama loob ng matanda kasi NAG EYOT SILA NI NORANG GURANG hahaha
    gumawa sila ng scandal search nyo sa xtube.com hahaha nag 69 sila hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.