Kuya Germs, ‘di raw binastos nina Kim Chiu at Gerald Anderson – Morly Alinio

MATINDI PA RIN ang sama ng loob ni German Moreno matapos na “isnabin” nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang kanyang German Moreno Youth Achivement Award sa nakaraang FAMAS. Feeling ni kuya Germs ay binastos siya ng loveteam ng Dos.

“Hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan nila dahil in the first place, alam nila na tatanggap sila ng award, pero nu’ng tinatawag na ang pangalan nila,e, wala na sila,” himutok ni kuya Germs na sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang “naisnab” ang recognition na taunan niyang ibinibigay sa mga pinakamainit na youngstar ng bansa.

[ad#post-ad-box]

Sabi naman nina Kim at Gerald, walang katotohanang inisnab nila ang recognation na ibinigay sa kanila ni kuya Germs dahil bago pa sila magtungo sa FAMAS ay alam na ng pamunuan ng nasabing award-giving body na saglit lang sila sa nasabing okasyon dahil may kanya- kanyang silang taping na dapat tapusin.

Ang Star Magic na mismo ang nagsabing walang intensiyon sina  Kim at Gerald na bastusin ang special award ni Kuya Germs, nagkaton lang na kailangan na talagang bumalik ng dalawa sa kani- kanilang tabaho. “Actually, dapat nga ay hindi na darating sina Kim at Gerald kasi nga ay may taping sila pero mas ginusto nilang magpunta kahit saglit dahil gusto nga nilang ma-feel ‘yung FAMAS at excited sila sa award ni Kuya Germs. Kaya lang, medyo mahaba at matagal nagsimula ang FAMAS kaya hayun kinailangan na nilang umalis,”’ pagtatanggol ng isang taong nagmamahal kina Kim at Gerald.

WALANG BALAK ang mga Revilla na isoli si Budoy sukdulang magwala si Rosanna Roces. Ang katwiran nila, ginagawa lang ng mag-asawang Lani Mercado at Senator Bong Revilla ang kanilang tungkulin bilang lolo at lola, na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang apo.

“Dapat magpasalamat si Osang dahil pinag-aaral at mahal na mahal nina Bong at Lani ang bata. Dapat hindi siya magwala,” pahayag ng aming kausap. Pero hindi rin naman natin minemenos ang katwiran ni Osang dahil mula pa sa pagsilang ni Budoy ay siya na ang nag-alaga nito at ngayong malaki na ay bigla na lang mawawala sa kanyang poder.

Isa lang naman ang pinupunto ni Osang kung bakit siya nagwawala, ibalik sa kanyang pangangalaga si Budoy dahil kaparte na ito ng kanyang buhay at magiging boring daw ang kanyang araw kung hindi niya makakasama ang pinakamamahal na apo.

“Alam mo, Morly, huwag na natin siyang patulan. Hayaan na lang natin siya kung ano ang gusto niyang sabihin dahil alam naman ng mga tao na hindi para sa amin ang ginagawa namin ni Lani kundi para sa bata. Isa pa, bakit naman niya kami kakasuhan ng kidnaping, eh, hindi naman namin kinidnap si Gab sa kanila kundi sila mismo ang nagbigay sa bata at may pinirmahan si Grace na kasunduan na ibinibigay niya ang karapatan o custody kay Jolo (Revilla). At bilang ama, may karapatan si Jolo kung ano ang sa tingin niya ay tamang gawin sa kanilang anak ni Grace,” paliwanag ni Senator Bong.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

9 thoughts on “Kuya Germs, ‘di raw binastos nina Kim Chiu at Gerald Anderson – Morly Alinio

  1. nde naman talaga totoong na inisnab nila kim at ge si kuya germs ehh nde naman snobers sina kim at ge nakita ko na sila in personal kahit na maraming tao pilit nilang pinapansin I L O V E K I M E R A L D !!

  2. hay naku kuya Germs… ang epal mo! may pa snub snub ka pang nalalaman… hello! si Gerald at Kim mang snub??? wag mo namang siraan ang mahal naming Gerald and Kim… intindihin mo na lang may trabaho naman daw sila at hindi naman nila kasalan… kayo naman hindi on-time noh! we love u Kim and Gerald.. kahit ano pa sabihin nang iba wala kami care! haha

  3. indi marunong mang snub si Kim at Gerald — very courteous sila at in fairness nagprepare talaga sila to grace the occasion in their bonggang outfits…

    meron na palang advance notice ang award giving body na hindi sila makatagal because of work. bakit kaya hindi to alam ni kuya germs ?

    one of the biggest reasons kung bakit achievers sila kim and gerald is because serious sila sa kanilang mga trabaho…sana maintindihan din ito ni kuya germs at maka get over siya sa hurt na parang naisnub siya.

    work first before pleasure!

  4. PUWEDE BANG PAKIBALIK NA LANG ANG MGA NAKURAKOT NINYO SA BAYAN. BONG, SABIHAN MO NA RIN ANG KAPATID MONG SI STRIKE REVILLA NA IBALIK ANG NAKURAKOT. WALA NA NGA KAYONG SILBI, NANAKAWAN PA NINYO ANG BAYAN. IKAW LANI, NANANAGINIP KANG MAGING CONGRESSWOMAN. ANO NAMAN ANG MAGAGAWA MO PARA SA SAMBAYANANG PILIPINO MALIBAN SA MAUPO AT MAGHINTAY NANG SUWELDO AT PORK BARREL. HUWAG KANG MAG ALALA. TUTURUAN KA NI BONG MASKI T_ANGA KA SA LAHAT NANG ITO. PERO DASAL LANG NAMIN, MATALO SANA ANG BUONG ANGKAN NINYO. ANO ANG GAGAWIN NINYO PAG TALO KAYO. WALA NAMAN KAYONG ALAM NA IBANG HANAPBUHAY. NAKAKASUKA KAYO. MANGA WALANG SILBI.

  5. kung ibabalik ng mga revilla ang kanilang apo kay osang ay magiging madilim ang kinabukasan ng kanilang apo, knowing osang, wala siyang maituturong magandan asal sa bata.

    • kailangan niya ng BOYS kc may taho factory ‘to sa Malabon. Kailangan niya ng may tagabibitbet! Recruit na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.