Kuta ng npa sinona ng militar, 9 patay

AABOT SA siyam na bangkay ang natisod makaraan ang clearing operations sa engkuwentro ng tropang pamahalaan at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Bunacao, San Fernando, Bukidnon.

Base sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, pito sa mga napaslang ay pawang mga rebelde habang dalawa ang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Sinabi ni Sr. Supt. Rustom Duran ng Bukidnon Provincial Police Office mula sa impormasyon ng mga tauhan sa nasabing bayan na maaaring mas marami pa ang nasawi mula sa panig ng mga NPA sapagkat nakita umano ng mga sibilyan na karga-karga ng mga rebelde ang kanilang mga kasamahan na nagtamo ng malubhang sugat habang patakas mula sa encounter site.

Aniya, ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng militar at pulisya upang mapanatili ang katahimikan sa buong lalawigan ng Bukidnon.

Una rito, inihayag ni Duran na maraming sightings na nakita ng tropa sa mga makakaliwa na pagala-gala sa ilang rebel infested area kaya agad inaalerto ang hukbong pandigma ng militar at pulisya laban sa mga kaaway ng estado.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.