Kuta ng NPA nakubkob 6 na rebelde utas sa encounter

NAKAISKOR ANG tropa ng pamahalaan makaraang mapaslang ng mga ito sa engkuwentro ang 6 na rebelde kabilang ang isang amasona sa bayan ng Natonin, Mountain Province..

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naganap ang bakbakan sa noong Sabado ng tanghali sa Barangay Banawel.

Nagkaroon ng operasyon ang tropa ng 54th Infantry Batallion ng 5th Infantry Division Philippine Army na nakabase sa Camp Melchor dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela kung saan nakasagupa ang mga rebelde na pinamumunuan ni Artus Talastas.

Nabawi ng militar ang temporary encampment ng mga NPA na may mga bunker at tatlong outpost habang nakumpiska rin ang mga bala ng ilang matataas na uri ng baril kabilang ang dalawang rifle grenade at mga subersibong dokumento.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.