Kuta ng mga Carnapper, Nakubkob; Lider at 3 pa, Arestado

NAKUBKOB NG pinagsanib na puwersa ng Baliuag PNP at Quezon City Police District ang isang warehouse na isa sa mga hide-out ng Salvatierra Carnapping Group na kumikilos sa Gitnang Luzon.

Sa ulat na ipinadala ni P/ Supt. Rezalino Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang lider ng grupo na si Joemel Salvatierra Y San Diego, 30 anyos, residente ng Vista Verde, Caloocan City; Ryan Cruz y Cruz, 23, ng Bacolor, Pampanga; Hermogenes Vergara Y De leon, 54, ng Brgy. Tenejeros, Malabon City; at Edgardo Caguiat Y Pagdanganan, 28, ng Brgy. San Marcos, Calumpit, Bulacan.

Base sa inisyal na ulat, dakong alas-9 ng gabi nang salakayin ng mga awtoridad ang warehouse sa Brgy. Sabang, Baliuag, Bulacan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Honda CRV na may plakang ZTC-829 na pag-aari ng isang Mary Ann Eala ng Malate, Manila; at isang L-300 FB Van na may plakang PIV-586, at iba’t ibang chop-chop ng mga pick-up na sasakyan.

Una na rito, si Salvatierra rin ang itinuturong bumaril at nakapatay sa isang car owner sa Brgy. Bagna sa Malolos City kamakailan.

Kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad laban sa mga kasamahan ng grupo.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.