Kuripot daw magbigay ng tip Diether Ocampo, nag-aaliw sa night club!

WALA NAMANG problema kung matsismis na si Diether Ocampo ay pumapasyal din sa bar kung saan mayroong GRO na nagtsitsismis na kuripot daw pala siya sa pagbibigay ng tip. Ganu’n talaga ang mga tunay na lalaki, na sa mga pribadong oras nila ay kailangan din namang mag-aliw. Huwag magpakalinis ang iba r’yan at sabihing napaka-wholesome nila. Ang importante, alam nating lahat na normal ang buhay ni Diet at hindi katulad ng ibang aktor-aktoran d’yan na sa gaybar pala gustong mag-aliw, ‘noh!

Kung umiinom lang ng alak para maglibang ay okey pa rin si Diether, dahil hindi naman siya ‘yung tipong lasenggo talaga. Masinop lang si Diet sa pera, kaya hindi niya winawaldas ang kanyang kinikita. Kahit sabihing nagkukuripot si Diether, iyon ay dahil mayroon naman talaga siyang pinanggalingang hirap ng buhay. Inamin niya na nu’ng binatilyo pa lang siya, naranasan ng kanilang pamilya na ang kakainin sa almusal ay hindi nila alam kung saan nila kukunin.

Magmula nu’ng sumikat si Diether, marami ang nagbago sa takbo ng kanyang buhay. May disiplina na talaga siya sa pera. Mayroon na rin siyang mga nabiling ari-arian, kaya okey lang kung mag-libang-libang siya kapag may libreng oras. Ang hindi lang natin nababalita nga-yon ay kung nagbago na ba si Diet sa kanyang istilo, na kapag nalalasing ay hindi na halos nagtitira ng kanyang panlakad at walang paki kung basa na siya sa kasusuka.

 

BLIND ITEM: Kapag talagang sumikat ang isang artista at sumapit na siya sa kanyang pagkalaos ay asahan mong maglalabasan na ang mga paninira laban sa kanya, na hindi niya naranasan nu’ng nasa rurok pa siya ng kanyang kasikatan. Katulad na lamang ng kontrobersiyal na aktres na itago natin sa pangalang Barbara Castillo. Mayroon siyang naging maling desisyon sa kanyang career, na naging dahilan ng kanyang pagkalaos.

Marami ngayon ang nagpapatunay na si Barbara ay umastang-reyna rin sa panahon ng kanyang kasikatan sa isang napakalaking kumpanya sa showbiz. Kumikita naman kasi talaga ang kanyang mga pelikula, maging ang mga teleseryeng kanyang pinagbidahan. Nang mag-asawa siya kasabay ng maraming desisyon sa kanyang career ay sumadsad talaga ang kanyang kasikatan. Nawalan siya ng mga proyekto, kaya talagang hindi na maramdaman ngayon ang kanyang kasikatan.

Marami raw nabiktima si Barbara ng kanyang pag-asta bilang reyna noon. Marami siyang ibinitin na nakasama sa trabaho, katulad ng lamang ng beteranang aktres na si Rosanna Suarez.

“Susme! Nabaliw ako kay Barbara. Sa sobrang pagpapahintay niya dati sa taping namin ay nahamugan ako, sinipon at trinangkaso. Uma-lis ako sa ABS-CBN noon, dahil naroon siya. Nu’ng magkaroon ako ng project sa GMA-7, naroon din siya at makakasama ko ulit. Isinusumpa ko ang babaeng ‘yan, na huwag ko na sanang makatrabaho,” wika ni Miss Suarez.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

8 thoughts on “Kuripot daw magbigay ng tip Diether Ocampo, nag-aaliw sa night club!

  1. Laos na nga talaga kung sa ngayong 2016 pecha. Maybe talaga dahil sa kakuriputang likas daw. Wala syang makukuhang good publicity kung wala man lang pampaganang inaabot sa mga showbiz writers and reporters. Yan ang kalakaran. Kahit daw sa mga kamag-anak namimigay ng regalong ukay-ukay. Sa pagiging Sta. Claus, bente-bente pesos lang daw mag-abot. Talo pa nung ibang pinsang galing abroad na di naman sikat tag-100 pa ang bigay. Hahaha!

  2. laos na kz eh pag lahat ng artistang sikat sa abs-cbn lilipat sa gma nalalaos look what happen to jolina, angelika dela cruz, marvin….. pero pag galing gma napunta sa abs-cbn instant sikat….bakit kaya…

  3. bakit ganun ang mga tao di maka-move on kay claudine nakaka-awa din naman sya kc pamilyado tao na sya nag-asawa at nagka-anak na ibig sabihin un na ang gusto nya propesyon sa buhay so hayaan na natin sya…ngayun pa naglalabasan yang mga masasamang balita kay claudine kung kelan di na sya kasikatan…sana nung araw na super sikat sya dapat dun nyo sya tinitira…haysssttt

  4. BAKLA BAKIT NGAYON NYO LANG GINAGAWAN NG BLIND ITEM SI BUTANGERANG CLAUDINE? ANTAGAL NA NIYA DATI SA ABS WALA NAMAN NABABASA NA MASAMA ANG PAG UUGALI NIYA? WHY O WHY AT ALL OF A SUDDEN BIGLANG SUMAMBULAT ANG BAHO NIYA? KAYONG MGA REPORTER NAKAKA AMOY AKO NG HINDI MAGANDA SA INYO BINABAYARAN BA KAYO LAHAT PARA MAGTAGO NG BAHO AT MANIRA RIN SA ARTISTA? HAHAHAHA…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.