Kunwaring mahiyaing aktres, may itinatago palang katapangan!

TALAGA PALANG may kaartehan ang aktres na ito na hindi na masyadong active ngayon.

Kapag may okasyon kasi sa isa niyang relative ay pumupunta siya ng madaling-araw na para raw hindi siya pagkaguluhan. At pagbaba niya ng sasakyan ay talagang halos patakbo niyang pinapasok ang bahay ng kanyang kamag-anak. Nagtatawanan na nga lamang nang lihim ang mga natitira pang bisita dahil sa drama ng aktres.

At kapag nakipag-chika rin siya sa kanyang mga kamag-anak ay gusto niya ay nasa isang kuwarto lang sila. Parang takot siyang makita ng ibang tao.

Kaya nga sa tuwing makikita ng mga kasamahan ng relatives niya ang aktres ngayon sa video na kinasangkutan nito kasama ang dyowa ay natatawa na lang sila. Kunwari ay nahihiya sa tao ang hitad pero may itinatago palang katapangan.

(By Alex Brosas)

4 thoughts on “Kunwaring mahiyaing aktres, may itinatago palang katapangan!

  1. di ko makuha title nitong b.i., baka ibig mong sabihin alex bruhas eh “Kunwaring mahiyaing aktres, may itinatago palang kayabangan”?