Kuntento sa pagiging biyuda ni Dolphy
Zsa Zsa Padilla, malabo na sa panibagong relasyon

MUKHANG NAKA-RECOVER na si Zsa Zsa Padilla nang nakatsikahan namin ito sa presscon ng bagong ini-endorse niyang ZO Line ng ZO Skin Health na mina-manage ni Hayden Kho.

Maganda na ang itsura niya dahil nakapagpahinga na siya nang maayos at medyo nabawasan na nang konti ang depression.

Sabi kasi ni Zsa Zsa, talagang bagsak daw ang mukha niya nu’ng namatay si Dolphy. Tapos nadagdagan pa nu’ng nagkasakit ito at naoperahan. Kaya touched ito nang nakatanggap siya ng sulat mula kay Dr. Zein Obagi na siya na raw ang bahala para bumalik ang sigla ng mukha at mapaganda uli.

In fairness, ang ganda lalo ngayon ni Zsa Zsa at puwedeng-puwede na siyang bumalik sa trabaho.

Gusto na nga raw niyang bumalik at magpaka-busy sa trabaho dahil naiinip naman siya ‘pag nasa bahay siya.

Nandiyan pa rin daw ang lungkot at halos araw-araw nga raw ay umiiyak siya.

Kuwento pa niya, naramdaman daw niyang nandiyan lang sa tabi niya si Dolphy kapag malungkot ito.

Kaya iniisip nga raw niya, parang ‘di pa niya kayang mag-concert kasi dumarating na lang minsan na nalulungkot siya, hirap siyang kumanta. Iyak na lang daw siya nang iyak.

Since lalong gumanda ngayon si Zsa Zsa, natanong tuloy kung handa na ba siyang tumanggap ng ligaw.

Siyempre hintayin daw muna niya ang magbabang-luksa at hindi raw niya alam kung meron ba o puwede ba siya sa panibagong relasyon.

“I’ll just cross the bridge when I get there,” sagot nito.

Pero tingin daw niya malabo na siya sa panibagong relasyon, dahil ang gusto na lang daw niya ngayon, makasama ang mga anak at gusto na raw niyang magkaapo.

Kapag sinasabi nga raw niya ‘yan, napi-pressure na raw mga anak niya lalo na si Karylle dahil parang minamadali na raw siyang mag-asawa at magkaanak.

Ayaw naman daw niyang i-pressure ang mga anak niya, lalo na si Karylle, pero naiinggit na raw siya sa pinsan niyang si Lorna Tolentino na baliw na baliw na raw sa apo niya. “Parang sobrang precious sa kanya ang apo niya, kaya gusto ko ako rin sana meron na,” sabi nito.

Sabi pa ni Zsa Zsa, kung meron man daw gustong manligaw o pumorma sa kanya, tingin daw niya mahirapan din ito dahil kailangan dumaan pa raw ito sa mga anak niya.

Nandiyan pa rin ang closeness ni Zsa Zsa sa ibang anak ni Dolphy kaya tingin ko nga malabo na ‘yang magkaroon ng panibagong relasyon.

Masaya na rin naman siyang manatiling biyuda ni Dolphy.

 

KUNG GUSTO na ni Zsa Zsa magkaapo, si Hayden naman, gustung-gusto na ring magkaanak.

Sabi niya, iba na raw ang gustong path na tatahakin niya at gusto na raw sana niyang magkaroon ng asawa’t anak.

Hindi naman daw siya naghahanap ngayon ng dyowa dahil naniniwala naman daw siya na kung darating, darating ito.

Bongga pa nga dahil sinabi nitong may naiipon na raw siya at gusto na raw niyang meron na siyang pinaglalaanan ng mga naipon niya.

Mag-bestfriends pa rin naman daw sila ni Dra. Vicki Belo, at minsan ay napapayuhan naman daw siya kung ano ang mabuting gawin.

Maganda naman daw ang napapayo sa kanya ni Vicki at nagpapasalamat siya rito. Pero hindi kaya ang ending, sila pa rin ni Vicki? Feeling ko nga meron pa rin silang something kaya huwag na tayong magulat kung mabalitaan nating sila na naman.

Siyempre hindi maiwasang magkita sila at magkasama dahil nagtatrabaho pa rin siya kay Dra. Belo. Malalaman din naman natin ‘yan.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Kuntento sa pagiging biyuda ni Dolphy
Zsa Zsa Padilla, malabo na sa panibagong relasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.