Kunsintidor na labor attaché, kastiguhin

UMAPELA SI Labor advocate Susan Ople sa Department of Labor and Employment (DOLE) na irekonsidera ang kaparusahang ipinataw sa isang labor attaché na pinaratangang pinagtakpan at nangunsinti sa tangkang panggagahasa sa isang Pinay worker.

Sinasabing masyadong magaan umano ang parusa na ibinigay kay labor attaché Adam Musa na inaakusahang nakipag¬sabwatan para maitago ang nasabing krimen (frustrated rape) laban sa driver nitong si Jose Casicas na inireklamo ng Pinay na si Grace Sales.

Sinabi ni Ople na insulto sa lahat ng manggagawang Pinoy ang naging desisyon hinggil sa parusang iginawad sa labor attaché.

Sa naging kapasyahan na nilagdaan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na may petsang Enero 30, 2014, one-month suspension without pay ang parusa kay Musa dahil 25 taon na umano ito sa serbisyo at “failure to immediately act on the complaint” ang una nitong offense.

Nadismaya naman si Ople sa naging desisyon ng DOLE kaya naman nagpadala ito ng sulat kay Baldoz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.