Kung totoong karelasyon si Martin Castro: Claudine Barretto, napakaswerte raw!

“WHAT REACTION I had is a natural reaction I had, but no longer have, a natural reaction of a family member when another family member is treated that way. My wife (Angeli Pangilinan) and Ruffa Gutierrez go a long way and I know they, initially, were angry, but all is well. So ok na ‘yun. Ruffa apologized, so it’s a closed book na for me.” Ito ang isa sa mga bahagi ng mensaheng ibinigay sa amin ni Gary Valenciano kaugnay sa awayang namamagitan ngayon kina Annebelle Rama at sa asawang si Angeli, na nag-ugat sa “pagbibigay-payo” ni Angeli kay Ruffa.

Kamakailan ay nakausap ng Pinoy Paparazzi si Angeli sa concert ni Gary V. sa Music Museum at sinabi niya sa amin na hindi na lang niya binibigyang-pansin kung anuman ang mga sinasabi ni Annabelle Rama. “Actually, tumawag na sa akin at nagkausap na kami ni Ruffa. Si Ruffa pa, parang anak ko iyan.”

Ayon kay Angeli, kung nagbigay man daw siya ng “payo” ay hindi para maliitin at hamakin ang ganda ni Ruffa. ‘Yun daw ay payo bilang ina sa kanyang anak. “I know one day, personal din kaming magkikita ni Ruffa at yayakap ‘yan sa akin.”

PERSONAL NAMING PINUNTAHAN ang bahay ng lalaking sinasabing “nakarelasyon” ni Claudine Barretto na si Martin Castro. Nagulat kami sa yaman ni Martin, kung saan ay may mala-palasyo pala itong bahay sa Quezon City at santambak na sasakyan sa kanilang bahay.

“Hay, naku! Kung totoo ‘yang balitang iyan ay napaka-suwerte ni Claudine, dahil hindi lang basta mayaman si Martin, ubod siya ng yaman, ‘no!” Sabi ng isang babae sa amin na sumalubong sa amin sa bahay na iyon na tumangging magbigay-pahayag tungkol sa diumano pakikipagrelasyon ni Claudine kay Martin.

Ayon sa aming kausap na ayaw magpakilala, nakita na raw niya si Claudine minsan sa bahay na iyon. “Pero hindi lang si Claudine, grupo sila.”

Sabi pa ng aming kausap, “Hindi ako naniniwalang nagkaroon ng relasyon sina Martin at Claudine, dahil pamilyadong tao si Martin at alam kong mahal na mahal nito ang kanyang asawa.”

Sinabi pa rin ng aming kausap na pinagtatawanan na lang daw nila sa bahay ang balitang lihim na nagkaroon ng kaugnayan si Claudine kay Martin. “Basta ang masasabi ko lang, mayaman si Martin!”

IMBIYERNANG-IMBIYERNA SI SUZETTE Ranillo sa isyung pinakikialaman niya ang pagiging Mayora ni Maita Ejercito. “Best Friend ko siya at totoong lagi akong nasa tabi niya. So, anong problema roon? Oo, aaminin kong nakikialam ako, pero hindi dahil sa gusto ko lang makialam, kundi nature of work ko ‘yun sa office niya as an adviser,” tuluy-tuloy na panimula iyon ni Suzzette nang makausap namin ito sa Laguna.

Hindi raw maintindihan ni Suzzette kung bakit iniintriga siya ng kung sinong “komedyanteng aktres” gayong wala naman siyang masamang ginagawa rito. “Honestly, hindi ko alam kung sino siya at kung bakit nagtsitsismis siya laban sa akin. For all you know, ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang adviser at hindi basta umeeksena at nagpapalapad lang ng papel.”

Sa kabuuan, sinabi ni Suzzette na tahimik na rin sa ngayon ang buhay ng kanyang pamangkin na si Krista Ranillo at masaya siya sa naging desisyon ng aktres na tuluyang iwan na ang showbiz world. “Kung nagsalita man ang mother ko (Gloria Sevilla), naiintindihan namin iyon bilang lola, pero as far as I know, wala namang problema sa pamilya namin ang ginawang pagpapakasal ni Krista,” pagtutuwid pa ni Suzette kaugnay sa balitang sinadyang hindi puntahan ni Gloria Sevilla ang kasal noon ni Krista dahil matindi ang sama ng loob nito sa aktres na minsang naiugnay kay Manny Pacquiao.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Kung totoong karelasyon si Martin Castro: Claudine Barretto, napakaswerte raw!

  1. Suzette and her mother Gloria Sevilla is occupying the apratment house of Senator Maceda in Pagsanjan. I learned from a friend that Suzette acts more than a mayor in Pagsanjan. Kapag nasa town hall akala mo may position din sya doon. Ang pamilyang ito never stop using people for their interest. Hay naku mga taga Pagsanjan, itapon nyo yan sa falls. After MP jan naman sa mayora ng Pagsanjan sumisipsip.

  2. Maita Ejercito…layuan mo si Suzzette Ranillo!!
    Ang pamilya niyan ay matakaw sa pera at tuturuan ka lang niyan na magnakaw ng pera sa kaban ng Laguna….

    Mga taga Laguna….protesta na kayo. Hindi magandang impluwensiya si suzzette para sa inyong bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.