Kung papipiliin sa pagitan nina Aiko Melendez at Ara Mina
Jomari Yllana, kay Aiko Melendez pa rin!

DAHIL SA pagtanggap ang theme ng afternoon serye ng GMA-7, ang Kakambal ni Eliana, naitanong kay Jomari Yllana na lalabas na ama ni Eliana na ginagampanan ni Kim Rodriguez (dating Komatsu) kung dumating ang panahon na papiliin siya between Aiko Melandez at Ara Mina. Sino sa dalawa ang pipiliin niya?

Matagal bago nakasagot si Jomari. Una ay nasabi nito na mahirap sagutin ang tanong, pero napilit pa rin siya at kanyang nasabi na si Aiko raw.

“Si Aiko siguro. Kasi may anak na rin kami,” maikling pahayag ni Jomari.

Kahit na raw magkahiwalay na sila ni Aiko ay naging maganda pa rin naman daw ang samahan nila alang-alang sa kanilang anak na si Andrei.

“Siguro maturity lang talaga. Pag-intindi sa buhay ang values ng pamilya kahit ‘di naging maganda ang pagsasama namin noon. Basta nandiyan pa rin ang respeto, peace of mind at pagmamahal sa pamilya. ‘Yun lang ‘yun. Hindi man kami magkasama gabi-gabi. Hindi kami magkakasamang matulog, pero sila magkakasama, its love for family,” say ni Jomari.

Tuwing weekend, sinisiguro raw ni Jomari na mag-bonding silang mag-anak. At enjoy raw talaga siya na makasama ang pamilya lalo pa ngayon nagbibinata na ang anak nila na si Andrei.

 

NANDOON PA rin ang respeto ni Ogie Alcasid sa GMA-7 dahil kahit na matunog na matunog ang paglipat nito sa TV5, wala pa rin itong ibinibigay na pahayag hangga’t ‘di pa nagtatapos ang kontrata sa Kapuso Network na mag-e-expire sa June ng taon.

Pero kung ang mga naging pahayag ni Regine Velasquez ang pagbabasehan sa paglipat ni Ogie sa Kapatid Network, para na rin nitong kinumpirma ang paglipat ng husband. Nang tanungin kasi ito, diretsahan nitong sinagot.

“Hindi ko alam. Maybe it would be best if you talk to him about that. Kasi ako, siyempre alam ko na, pero hindi naman ako ‘yung… it’s not appropriate for me to be talking about it. Kasi hindi naman ako ‘yung taong concerned. Parang pangit naman if it’s gonna come from me, ‘di ba?” pahayag ni Regine.

If ever na mangyari na nga raw nasa ibang network si Ogie, wala naman daw magiging problema sa kanila kahit magkaiba sila ng TV network.

Sa network lang daw sila magkakahiwalay at hindi bilang mag-asawa. Kaya walang problema. dahil una ay trabaho ‘yun.

Tinatanong daw siya ni Ogie kung tama ba na mag-ober da bakod at kung tama ang desisyon niya. “Lagi kong sinasabi sa kanya, ‘as long as you’re happy, you’re comfortable and you won’t feel frustrated… ‘Yun kasi ang ayaw ko, eh. Mapu-frustrate siya. So, happy ako kung anuman ang magiging desisyon niya,” pahayag pa ng Songbird.

 

PRANGKA RIN si Gretchen Barretto sa pagsasabi na gusto niya si John Lloyd Cruz at nagagalingan siya sa actor. May pangyayari pa raw nang magkita ang dalawa ay nilaru-laro ni Gretta ang leeg ni Lloydie na siya naman daw pinagselosan at ikinairita ni Angelica Panganiban nang makarating sa huli ang naturang pangyayari.

Lalong nadagdagan pa ang isyu sa ginagawang panggagatong ng mga intrigera at intrigero na baka raw muling sumiklab ang alitan nina Gretta at Angelica dahil sa inaahas daw ng una ang actor?

Sana naman, tigilan at huwag nang pag-awayin sina Gretta at Angelica dahil masaya naman ngayon si Gretta sa piling ng kanyang maunawain na live-in partner.

Iba naman kasi ang dating ni John Lloyd Cruz. Malakas talaga ang dating ng actor at hindi mahirap mahalin na laging sinasabi ng mga nakakasama nitong actress sa bawat pelikulang ginagawa.

‘Di nga ba pati si Jennylyn Mercado ay matagal nang naghahangad makasama sa pelikula si John Lloyd. At sinabi pa nga ni Jen na baka himatayin siya kapag nagkasama sila ni Lloydie sa isang pelikula.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Kung papipiliin sa pagitan nina Aiko Melendez at Ara Mina
Jomari Yllana, kay Aiko Melendez pa rin!

Leave a Reply

Your email address will not be published.