Kung may nude photo raw si Angel Locsin
Marian Rivera, meron namang Skype scandal?!

THERE SEEMS to be an effort to discredit Marian Rivera.

After Angel Locsin, her arch rival, whether imagined or real, ay si Marian naman ang ginawan ng istorya ng mga taong walang magawa sa buhay.

Kung merong nude photo si Angel, ito naman daw si Marian ay merong Skype webcam scandal.

We saw the said photo sa isang page sa Facebook at halatang hindi naman ito totoo. Halatang gawa-gawa lang ito. Una, kamukha nga ni Marian ang nasa web photo pero hindi naman bastos ang dating. Naka-bustier ang girl na naroon at wala namang kalaswaan na ginawa.

To begin with, bakit hindi video ang ipinost para paniwalaang webcam sacandal nga. Kung video kasi, hindi ‘yon madadaya at lalabas ang katotohanan.

But as it is, photo lang ang ipinakita. Malay ba natin kung kamukha lang siya ni Marian. Ang daming look-alikes na naglipana ngayon sa social media, no!

Sino kaya ang may pakana nito sa isa sa bida ng Kung Fu Divas? Parang matindi ang galit niya kay Marian,ha?

We observe na after the Chito Miranda-Neri Naig at Wally Bayola-Yosh sex scandals, puro sex scandals na lang ang inaabot ng celebrities natin today. Parang there’s a wave of scandals involving our most popular artists na kahit wala namang katotohanan ay pilit na ikinakalat.

 

WE’RE HAPPY for Janine Gutierrez, genuinely happy for her.

After maging frozen delight for about a year yata ay meron nang soap finally si Janine, ang remake ng Villa Quintana.

Matagal ding natengga si Janine, anak nina Monching at Lotlot de Leon. Sa sama nga ng loob niya sa isang interview ay napaiyak nga raw ito when asked if she’s happy about her acting career.

Hindi naman kasi kaila sa marami na napag-iwanan si Janine among Kapuso stars gayong isa siyang showbiz royalty dahil sa kanyang lineage.

Now, magiging masaya na siguro si Janine na meron na siyang project finally.

Kasama ni Janine si Elmo Magalona na isang pasaway lately. Aba, panay raw ang tanggi nito sa mga project na iniaalok sa kanya.

We just don’t know kung siya ang may problema o ang nanay niyang si Pia Magalona na nagma-manage sa kanya.

Anyway, sana’y mag-rate ang soap nina Elmo at Janine. Sana’y hindi sila matulad sa ibang Kapuso soap na walang kakome-commercial kaya natitigbak sa ere.

Of late, ang daming natitigbak na show ng Siyete. Ang morning soap nina Christian Bautista at Mikael Daez ay matsutsugi na at hindi na kinaya ang powers ng Be Careful With My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

 

HOW TRUE na after Robi Domingo at Khalil Ramos ay meron na namang bagong type itong reporter-reporteran na si Julian Mauricio?

How true na si Marco Gumabao, anak ni Dennis Roldan, ang binabakuran naman daw nitong anak ni Tinna Bonifacio?

Madalas daw tumambay itong si Julian sa mga pinupuntahan ni Marco. Talaga raw parang assistant itong si Julian sa kahahabol kay Marco, as in anywhere he goes ay parang shadow niya si Julian. Bakit?

And there was one time pa raw na nakipag-inuman itong si Julian sa grupo ni Marco.

Much to the shock daw of the people there, sinabi raw nitong si Julian na sana raw ay naging sila na lang.

How true, Julian, na nasabi mo ito kay Marco?

Inday, ang kape, ihanda mo nga. I want it black! Now na!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

15 thoughts on “Kung may nude photo raw si Angel Locsin
Marian Rivera, meron namang Skype scandal?!

  1. Oo nga, mabait si Alex kay Marian lately, nasasabi na nga rin niya ng buo ang pangalan na Marian Rivera. Kung dahil nga sa Star Cinema, aba dapat laking pasalamat ang mga fans ni Marian at naging positive ang aura ni Marian. Tingnan natin after maipalabas na ang Kung Fu Divas at nalimutan na ng mga utaw kung mabait pa rin si Alex kay Marian at kung si Marian mismo ay positive pa rin ang aura sa press at publlko.

  2. kaya mabait ngayon yan kay Marian kasi may Pelikula sa Star Cinema, e di ba bayaran ng ABS itong kabayong ito. pustahan pagtapos ng pelikula Marian Something na naman ang drama ng kabayong tsuaperong ito

  3. ay ang bait na talaga ni ateng alex kay marian,kung dati marianita at grabe makalait ngayon positive na write up nya,well kudos!

  4. eh kasi na-invite na si alex something sa presscon ng kungfu divas  di gaya noong ang manager pa ni marian ay si popoy kolokoy na namimili lang ng mga reporters na ini-invite, at binibigyan ng papasko, kaya tuloy si marian ang lagi nilang tinitira

Leave a Reply

Your email address will not be published.