Kung may choice
Gerald Anderson, mas type na non-showbiz ang next GF

GERALD ANDERSON is enjoying his single life. He is one of the lead stars of Star Cinema’s movie 24/7 in Love at may upcoming teleserye rin siya sa ABS-CBN. Abala siya ngayon sa kanyang showbiz career kaya marami ang nagtatanong kung may puwang ba sa kanyang buhay ngayon ang pag-ibig.

Ayon sa isang artikulo sa ABS-CBNnews.com, sinabi ni Gerald that he is not stopping himself from falling in love again. “Lagi naman akong open sa lahat basta tamang timing at kung masaya ako at masaya siya kung sino man iyon. Pero hindi ko naman hina-hanap o hindi ko naman kailangan hanapin iyon.”

Kung muli mang kumatok si Kupido sa kanyang puso ay mas gusto naman niyang non-showbiz ang kanyang susunod na girlfriend. “Given a choice sana non-showbiz para maiba naman. Tahimik. Pero you’ll never know, hindi ko pa rin masabi.”

Pawang pinag-usapan ang mga dating relasyon ni Gerald. Maraming intrigang ipi-nukol sa kanya kaliwa’t kanan tungkol sa isyu ng hiwalayan.

He is paired once again with former loveteam and girlfriend Kim Chiu in 24/7 in Love. Okay naman ang samahan nilang dalawa ngayon. Kim is now being linked with Xian Lim. Gerald admitted in an interview that he’s a fan of the loveteam of Kim and Xian na nabuo sa series na My Binondo Girl. Masaya raw siya dahil kaibigan rin niya si Xian.

Marami rin ang nanghinayang at nalungkot when his “special” relationship with Sarah Geronimo ended. Maraming lumabas na anggulo tungkol sa totoong dahilan ng kanilang “hiwalayan” pero nananatiling tahimik ang magkabilang kampo. Matatandaang sinabi noon ni Gerald sa isang interview na friends pa rin sila ni Sarah at nakiusap siyang bigyan ng privacy si Sarah at pamil-ya nito. Hindi man sila nagkakausap nang madalas ngayon but he still considers her as someone special. “Paano magiging closed iyan eh, hindi naman natin kayang basahin ang future? Hindi na gaano, hindi na [kami] masyado [nakakapag-usap]. Oo naman, [espesyal pa rin siya],” pag-amin niya.

Masaya si Gerald ngayon at iyon ang mahalaga. I’m sure there will come a time na muling sasayaw ang kanyang puso because someone will make him dance again.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “Kung may choice
Gerald Anderson, mas type na non-showbiz ang next GF

  1. Yung 24/7 nila NILANGAW hahahahahahahha!!! taena ang dami nilang stars dun di man lang kumita..saan ang pila?? saan ang pila?? mga sinungaling!! walang pila sa sinehan no! LANGAW LANG NANDUN hahahaha! nakakarma ka na Budoy!!!

  2. Amfuta ka budoy, kadiri ka pati ba naman si pagong matrona pinatulan mo??? kaya pala nilaglag ka ng mudra ni pop princess dahil nakaka diri ka! hahahaha!

  3. Hay! Budoy! sinayang mo yung love syo ni Sarah, paano ka magugustuhan ng parents nya, eh dami2 mo palang isyu sa mga girls!! very impatience ka pa!! Kung sabagay eh amboy ka eh may itsura at sikat madami magkakandarapa sa yo na pwede mong makuha ng easy2!!! O sya hanap ka na lang uli ng iba!!! At focus sa career mo. Goodluck!.

  4. kung type nya non showbiz go ahead gusto mo yan eh walang basagan ng trip, umayos ka sa mga nxt mong pelikula at flop ang 24/7 inlove nyo, kahiya kayo sandamakmak kayo sa movie wala namang pumila,nxt kayo naman ni PAPA P kaya what to expect

  5. hoy mga walang magawa binabangion yo na naman ang natutulog na career n Budoy sa pagbanggit kay Sarah d nga kunita yang 24/7 na yan e tama na nga kayo jan Boy Abunda maka Gerald ka at Kim e palagi mong build up sa kangkungan nadadamputin yang manggagamit na Budoy na ya. May Bekirald na may Matronarald pa paano ba naman magugustuhan yan e ang daming kalokohan sa katawan!PWE Malaking Buti nga at di kumita ang pelikula nila ni Kim na sobrang payatot at akala mo laging paiyak sa scene. hehe

    • GINAKOL_KALYEHERA mas tama xau yn username n 2 kc un mga lumalabas s bibig mo eh puro RUBBISH!!! Shame on u to comment such…

Leave a Reply

Your email address will not be published.