Kung mananatili sa Dos o lilipat sa Singko Derek Ramsay, kasama ang pamilya sa pagdedesisyon

MATAGAL NANG usap-usapan ang paglipat diumano ni Derek Ramsay sa TV5 from being a Kapamilya star kapag natapos na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Last year pa ang ganitong tsismis pero hanggang ngayon ay wala pang konkretong development kung ano na nga ba ang magiging estado ng aktor, kung magiging Kapamilya pa ba siya o lilipat na siya sa ibang network?

At nitong Pebrero 29, nagtapos na nga ang kanyang kontrata sa Dos. Naiulat din sa isang entertainment website noong March 1 na nagkaroon na nga ng meeting si Derek at mga bigwigs ng ABS-CBN pero wala pa raw pormal na mga proyektong nailatag sa aktor. Pero may mga offer na raw sa kanya ang ABS-CBN. Ayon pa sa ulat, baka raw after ng isang linggo ay may desisyon na ang TV host-actor kung ano na nga ba ang plano niya.

Noong Sabado, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, nagkaroon ng pagkakataon ang programa na makapanayam si Derek bago pa man ito tumulak papuntang U.S. para sa isang engagement.

Kuwento pa ni Derek, “Nu’ng (February) 29, nakipag-meeting ako kay Sir Gabby (Lopez) at kay Tita Malou (Santos), that was the last day rin of my contract with ABS. So, after that meeting, nagbigay sila ng offer.

“’Yung offer na ‘yun ay nakarating na sa manager ko, nakarating na sa daddy ko. So, pagbalik ko galing America, ‘yun ang priority.

“We’re gonna go through the contract and then that’s when the decisions will be made. So, I’m pretty sure by next week, malalaman na natin kung saan ako pupunta, kasi… pero wala pa.”

Apat na araw raw namalagi si Derek sa America at sa mga araw na ito ay nakabalik na si Derek sa bansa.

Ayon pa sa ulat ng Paparazzi, aminado raw si Derek na mabigat ang kanyang kalooban sa kanyang gagawing desisyon.

Dagdag pa niyang kuwento, “It’s very hard. I don’t want to, to, you know, burn bridges, I don’t want to, it’s hard, it’s a hard decision for me.

“I have to think about myself, I have to think about other people, there’s lots of things that, that come into play here pero ang sigurado diyan hindi ko gagawin ‘tong desisyon na mag-isa, kasama diyan ang pamilya ko and yeah, we’ll just have to wait and see till next week.”

Ang tanong ngayon, nakapag-desisyon na kaya ang kampo ni Derek? ‘Yan siguro ang mala-king balitang ihahayag niya in the coming days.

 

ISANG BIRTHDAY surprise para kay Janna Dominguez ang inihanda ni Mickey Ablan noong nakaraang Linggo, March 11, 2012. Nagsisilbi na rin itong baby shower para sa kanilang pa-nganay na naka-takdang isilang sa Abril.

Ayon pa kay Mickey, so far, normal delivery ang pagsisilang ng kinakasama sa susunod na buwan. Hirit namin kay Mickey thru text kung may plano na nga ba silang magpa-kasal, ang sagot niya, “Oo naman, kung pakakasalan niya ako.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

13 thoughts on “Kung mananatili sa Dos o lilipat sa Singko Derek Ramsay, kasama ang pamilya sa pagdedesisyon

  1. Paimportante nmn ang gag0ng toh! Eh d lumayas ka! D ka nmn kawalan. 1 Blockbuster Movie? C Anne lng nmn ngdala saung tagumpay! PWEHHH Punta kna sa SugarMommy mong c MVP! LETCHE!!!

  2. i love Derek Ramsay. He is so decent and polite which is a rare breed in Philippine movie industry. I just hope that he will remain a Kapamilya as it will not be good for him to be in the company of those who transferred to the Kapatid network. Lahat sila ngayon laos na at hindi na pinaguusapan ha ha ha. di ba Rufing??

  3. lumayas ka na lang Derek sa Dos dahil masyado kang maarte. may patampo tampo ka pa sa Dos eh kung hindi dahil sa kanila wala kang seryeng magaganda at pelikulang top grosser. tse paayos mompala yang pustiso mo, mayaman ka naman pala…hahah

  4. Salamat naman at matatapos na rin ang agam-agam sa paglipat ni Derek kasi showing na yung Corazon: Ang Unang Aswang today. Timing na timing at gamit na gamit ang issue na yan sa publicity slant ng movie.

  5. derek ramsay, mag isip isip ka nga, may offer naman pala ang dos eh di sa dos ka na lang ulit. wag ka ng lumayas at lumipat sa isang channel na kokonti ang nanonood. tingnan mo na lang sa nangyari sa teleserye ni lorna tolentino sa singko, tigbak agad kasi naman walang nanood, lumamlam tulot career ni LT at nawala yung kinang nung nandun sya sa dos. aanhin mo ang malaking offer kung mawawala naman kasikatan mo, heheheheh esep esep derek..at kung lumipat ka nga sa singko eh isa na ako sa hindi na manonood sayo. sorry to say, ayoko sa singko.fluk!!!!!!

  6. lumayas na lang kaya si derek? nakakasuyang report. ang daming kaartehan nitong si tandang ramsay nakakairita na, kung hindi man sya lilipat, itigil na ang mga report sa kanya at kung lilipat man sya, goodbye career!

  7. paimportante naman ang derek na toh di lumipat ka ng lalong walang patutunguhan ang career mo swenerte ka lng naman kasi tinambal ka kay ann,christine at vice ganda na mga sikat eh..pero kong movie mo lng yan di bebenta yan gaya ng corazon mu..hahaha

  8. dba sinabi na nga di na lilipat bakit ba ang kukulit ng mga badiday na reporter na eto.. di na nga lilipat and2 na naman mga topic wala na bang ibang news ung totoo naman…

  9. Napanood ko siya sa Kris TV. Mukhang may kaya ang pamilya, pero hindi bulgar. Quiet wealth. . .Humanga rin ako sa pagmamahal na ipinakita niya sa pamilya at kay Angelica. The man is obviously misunderstood.

Leave a Reply

Your email address will not be published.