Kung Kailan Magpa-Pasko Ai-Ai delas Alas, iniwan ng dalawang anak!

BLIND ITEM: Naaliw kami sa isang hunk actor na ka-text namin nu’ng isang gabi. Me nakapagsabi kasi sa amin na merong kasamang ibang girl ang naturang hunk actor.

Eh, itinanong sa amin nitong friend namin kung, “Di ba, sila ngayon ni _____? Eh, me nakakita sa guy at sa non-showbiz girl na magka-date, eh. Pa’no ‘yon? Sila pa rin ba?”

As far as I know, sila pa rin, sabi namin. Saka kung hindi na sila, mababalita ‘yon. At ang nakakalokah pa, nu’ng ininterbyu ang girlfriend nitong showbiz girl, super excited na inaming sila na.

So, nu’ng tineteks namin ang hunk actor, tanong namin dito kung sino’ng kasama niya? Ang sagot niya, puro pangalan ng guys.

“Sino pa?”

“Sila lang talaga.”

Hindi na kami nangulit. Pero sa tagal namin sa industriyang ito, hindi naman namin nabalitaan na me kakambal ang hunk actor na ito.

Well, baka nga kamukhang-kamukha lang nito ang nakita ng aming friend that time.

Hay, nako… makakain nga ng….

 

LUNGKUT-LUNGKUTAN SI Ms. Ai-Ai delas Alas, dahil first time siyang magpa-Pasko na hindi kumpleto ang kanyang pamilya.

Ang kanyang dalawang binatang anak na sina Sancho Vito at Shaun Nicolo ay lilipad ng London at doon magpa-Pasko habang ang nanay naman nila ay kumakayod dito at todo pa sa kapo-promote ng Enteng Ng Ina Mo na hinuhulaang makakabanggan sa pagiging topgrosser ng Ang Panday 2 ni Bong Revilla sa darating na MMFF.

Naaaliw rin kami rito kay Bossing Vic Sotto, dahil ang daming Kapamilya Stars ang nagpapa-picture sa kanya. Starstruck na starstruck sa kanya.

Mabait kasing tao si Bossing Vic, lalo na sa maliliit na bahagi ng produksiyon, kaya gano’n na lang siya ka-well-loved sa industriya.

Maging si Ai-Ai ay kakikitaan mo ng pagmamahal sa mga production staff and crew. Ilan na ang nakakausap namin na sobrang thankful kay Ms. Ai-Ai dahil tinulungan sila ni Ms. Ai-Ai na hindi na ipinagmamakaingay pa.

Kaya naman sobrang blessed ang Lola Ai-Ai n’yo.

 

MONDAY NGAYON, Dec. 19 at me special advanced screening pa rin ang iipinrodyus naming indie film, ang Dyagwar na nu’ng premiere night nito nu’ng Dec. 17 ay halos lahat, laugh nang laugh!

Lalo na’t ang gagaling ng mga artistang sina Eric Fructuoso, Boom Labrusca, RR Enriquez, Marissa Sanchez, Chiokla Gaston, Tado, Arran Sese, Joe Black, Jed Montero, April Sun, at iba pa.

So, kayo na rin ang humusga kung maaaliw kayo sa movie. ‘Eto na po ang advance screening: Dec. 19-9pm at Dec. 21-4:30pm sa Robinson’s Galleria Cinema 3.

Tapos, i-tweet n’yo kami sa @ogiediaz at i-post n’yo sa fanpage ng Dyagwar kung type n’yo yung movie.

Next year pa ang regular showing.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Kung Kailan Magpa-Pasko Ai-Ai delas Alas, iniwan ng dalawang anak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.