Kung ideklara ng SC na iligal ang PDAF; Kamara, hihingi ng tulong sa ehekutibo

HIHINGI NG tulong ang Kamara sa ehekutibo sakaling ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa batas ang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na kung mangyayari ito’y tuluyang hindi mailalabas ang natitirang pork barrel ngayong 2013 at mawawalan ng pondo ang kanilang constituents, partikular ang maraming iskolar at pasyente.

Aniya, lalapitan nila ang lahat ng ahensyang may pondo para hingan ng tulong lalo’t malapit na ang enrollment para sa second semester.

Kahapon, ipinagpatuloy naman ng SC ang pagdinig sa mga petisyon kontra pork barrel.

Samantala, naghanda rin ang ilang empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA) at National Housing Authority (NHA) para sa noise barrage laban pork barrel o “Kalampagan” sa Quezon City.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.