KUNG HINDI PA kulit-kulitin at magmakaawa ang mismong may-ari ng bracelet at hikaw na hiniram lang naman niya ay hindi pa isosoli ng isang singer na nanggagaling sa kaluluwa ang magandang tinig.

KUNG HINDI PA kulit-kulitin at magmakaawa ang mismong may-ari ng bracelet at hikaw na hiniram lang naman niya ay hindi pa isosoli ng isang singer na nanggagaling sa kaluluwa ang magandang tinig.
I’m sure, alam n’yo na agad ang sagot. Pero ang istorya ay hindi n’yo pa alam. Ganito ‘yon. Nanghiram ang singer ng Chanel na alahas sa isang baklitang maykaya.
Eh, ang sey niya, isosoli rin agad. Oo lang nang oo ang singer na isosoli ito. Kaya ang ending, hindi rin naisoli sa takdang panahon ang mga alahas.

Ilang linggo na ang nakararaan ay nagdrama na ang baklita na super hinahanap na sa kanya ang alahas at parang awa na raw ni singer, ibalik na sana ang mga alahas.
“Hay, nako… awa ng Diyos, nasa akin na ang mga alahas. Kung next time, manghihiram pa siya, pag-iisipan ko muna nang ilambeses.
“Nakakalokah, buti isinoli, eh P175 thousand ‘yon, ‘teh!”
‘Pag hiniram, isoli. ‘Pag hindi iyo, ‘wag ariin. Kung gustong ariin, hingiin sa may-ari. ‘Pag ayaw ibigay, intindihin.
Kasi, ‘pag hindi mo ‘yan isinoli, considered ninakaw ‘yan, ‘di ba?

(Ogie Diaz)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “KUNG HINDI PA kulit-kulitin at magmakaawa ang mismong may-ari ng bracelet at hikaw na hiniram lang naman niya ay hindi pa isosoli ng isang singer na nanggagaling sa kaluluwa ang magandang tinig.

    • bobo mo naman, sinabi na ngang nanggagaling sa kaluluwa (as in SOUL) ang tinig eh, sino ba sa mga singers natin ang tinaguriang SOUL DIVA? siguro naman alam mo na kung sino noh, pag hindi pa rin, HINDOT ka nga hehehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.