Kung ‘di pa raw tanggap ni Melissa Ricks ang pagkakamali niya
Jake Cuenca, wala na raw magagawa!

NAPAPANSIN NA ngayon ang acting ability ni Jake Cuenca sa kanyang mga teleserye sa Kapamilya Network. Lalo raw natin siyang hahangaan sa bago niyang soap na Kahit Puso’y Masugatan with Iza Calzado, Andi Eigenmann and Gabby Concepcion sa direksiyon ng box-office director na si Wenn Deramas.

“Natutuwa ako, kasi in the past two years, ‘yung acting ko na ang medyo napapansin nila. Talagang gusto kong husayan at patunayan sa sarili ko bilang artista na hindi lang sila naa-attract, kundi nagagalingan o napapahanga ko sila sa paraan ng pag-arte,” pagmamalaking sabi ni Jake.

Kung napag-uukulan na ng pansin ang acting talent at physical look ni Jake, ano pa kaya ang kulang para masabing kumpleto na ang pagiging isang sikat na artista? “The total package, ewan ko. I’m just being myself. I’m not trying to achieve perfection but I’m trying to be the best actor, best celebrity, best personality I can be. The best way to do that is just be yourself,” wika ng actor.

Saang level na kayo ni Lovi Poe? Tanong na-ming kay Jake. Kahit hindi pa rin mamatay-matay ‘yung issue na hanggang ngayon ay mag-dyowa pa rin daw sina Lovi at Ronald Singson. Pilit pa ring inili-link sina Jake at Lovi sa isa’t isa, dahil kaya may movie sila together? “We’re good friends. Let’s see where it goes. For now, I’m taking it slow kasi, sa dami ng ginagawa ko ngayon. I think, I have to do this things very well. I’m enjoying the friendship at ‘yun, I’m very vocal about it. Kahanga-hanga naman ang pagkatao ni Lovi, and I’m lucky doing a movie with her with Direk Joel Lamangan. They’re expecting me to be the best that I can be. To do that, kailangan ang utak mo nasa trabaho. For now, hindi pa ako ready to talk about my personal life. Maiintindihan naman ninyo with everything I’ve been through in the past.”

Kung si Iza Calzado sinabing puwedeng ma-develop into something ang pagiging close nila, para kay  Jake, may possibility kayang ma-attract at mauwi into something ang kanilang friendship sa ngayon? “Bakit hindi? Sino ba namang lalaki na hindi manliligaw d’yan, tignan mo naman. Yes, of course, there’s a possibility. Noong time na nasa kabilang istasyon (GMA-7) pa lang kami, nagkatrabaho kami sa isang proyekto. In my wildest imagination, never kong inakala na magiging leading man ako ni Iza Calzado. Para sa akin, si Iza, nasa pedestal talaga. I never thought to be her leading man. Para mangyari ito, ako pa ‘yung una niyang leading man sa ABS-CBN, dream come true para sa akin ‘to. Iza Calzado, wow! Tingnan ninyo, wala akong masabi, dream girl.”

Masuwerte si Jake dahil magkakaroon sila ng kissing scene at love scene sa nasabing teleserye, comment? “Ayaw kong maging uncomfortable si Iza sa akin. I do a lot of scenes like that, love scenes. One thing I’m proud of is that, never nailang sa akin ang babae to do scenes like that. Kasi, sobrang maalaga ako sa leading ladies.”

Sinundot din naming tanungin kay Jake kung nagkita at nagkausap na ba sila ni Melissa Ricks? “Hindi pa kami nakakapag-usap nang personal dahil pareho kaming busy. Ako naman, nasabi ko na ang dapat kong sabihin at kung hindi pa niya tinatanggap ang mga pagkakamali ko, wala na akong magagawa. Ayaw ko nang pag-usapan pa ‘yung tungkol sa aming dalawa, dahil tapos na. Move-on na tayo, may mga bagay na nangyayari na hindi natin kagustuhan. Right now, focus muna tayo sa trabaho, saka na ‘yung pampersonal nating kaligayahan. Minsan lang dumating itong mga blessing na duma-rating sa atin so, dapat lang nating mahalin,” paliwanag ni Jake na obvious na masaya ngayon sa takbo ng kanyang career kahit walang lovelife.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Kung ‘di pa raw tanggap ni Melissa Ricks ang pagkakamali niya
Jake Cuenca, wala na raw magagawa!

  1. ito nanaman!! isa pang baklang umiiringking sa shoklalers!!
    wag basain ang bibig para pumula kasi napapanis yan kaya mabaho yung hininga!! mag tawas ka sa paa jake ha!?

  2. ikaw  ba naman ang marinig sa kabilang linya na umuungol ng wagas ahahahaha!!!  hindi tlg ka forgive yun..

Leave a Reply

Your email address will not be published.