Kung bakit lapitin ng babae Vic Sotto, buking na ang sikreto!

FOR THE first time, nagsama ang hari at reyna ng taunang Metro Manila Film Festival na sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas sa pelikulang Enteng ng Ina Mo. Ibinahagi ng dalawang comedy icon ang kanilang experience sa isa’t isa while doing the film.

“Magandang experience na nagkasama kami ngayon kasi parang reunion. Kasi dati kong Bossing dahil sa ‘One For Three’, siya ‘yung Boss ko at siya ‘yung producer sa GMA- 7. Mas nagkakilalanan kami, matagal din kaming gumawa ng pelikula so, nakilala namin ang isa’t isa, so ‘yun. Starlet pa lang ako noon, ngayon big starlet na,” pagbabalik-tanaw ni Ai-Ai.

Sinagot ni Ai-Ai ‘yung tsika na sumama raw ang loob ni Direk Wenn Deramas sa Star Cinema dahil hindi siya ang nag-direk ng nasabing comedy film. Tuloy, nag-ober da bakod na lang ang box-office director sa Singko. “’Yung tungkol kay Direk Wenn, matagal nang issue ‘yun. Pero tingin ko sa sitwasyon na ganito, bunso lang po ako. Sumusunod lang po ako sa Star Cinema bilang isang tauhan.”

Binigyang-linaw ni Bos-sing Vic kung bakit hindi puwedeng ibang director ang mag-direk ng Enteng Kabisote. “Mayroon naman, depende sa project katulad nitong Kabisote series, hindi ko puwedeng ibigay sa ibang director. Kumbaga, ka-sabihan nga, you don’t change horses in the middle of the street. Ang problema du’n, ako ‘yung kabayo so, hindi ako puwedeng mag-ikot. Kabisado na ni Direk Tony Reyes ‘yung Enteng. Our director, nag-a-adjust naman, kahit saan puwede siya.”

Hindi inaasahan ni Vic na magkakasama sila ni Ai-Ai sa isang pelikula. “Parang sinapian ako, I’ll still remember last year, nanonood ako ng awards night tapos, nanalo siyang Best Actress (Ai Ai). Tapos, nag-speech siya na parang sira ulo, parang may sapi. Sabi niya, ‘Isa na lang ang hinihiling ko kay Lord, magkasama kaming dalawa sa pelikula. So, early this year, I sat down with Star Cinema people and when they brought- up the concept, hindi pa natatapos ‘yung tanong nila, sumagot na ako kaya natuloy ang aming tambalan,” kuwento ni Bossing Vic.

Siyempre, hindi maiiwasan ang kissing scene nina Vic at Ai-Ai. Aliw namang ibinahagi ng Comedy Queen ang scene ng halikan nila ng comedian. “Part by part, laplapan lang kami ng laplapan,” pakuwelang tsika ni Ai-Ai.

Maraming na-discover sa isa’t isa ang dalawang komedyante while doing the film. “Napatunayan ko kung gaano kagandang tao si Ai-Ai. Maganda sa loob, maganda sa labas, overall. At sinabi pa nitong si Ai-Ai ang pinakamaganda sa paningin niya ngayon.”

Say naman ni Ai Ai, “Alam ko naman kung gaano ka ka-pogi, ka-steady sa panahon ngayon, wala nang hihigit pa. Huwag tayong maka-sure, ha? Huwag na huwag! Nand’yan lang sa tabi-tabi, wala rito,” nagbibirong turan ni Ai-Ai. Ang tinutukoy kayang bagong pag-ibig ni Bossing Vic ng Comedy Queen ay si Pauleen Luna? Matunog kasi ang balitang nagkakamabutihan na ang dalawa at madalas daw inihahatid ni Bossing Vic ang dalaga sa bahay nito.

Ano sa tingin ni Ai-Ai, kung bakit nabibighani kay Vic ang mga babae pati younger girls? “Misteryoso, karinyoso, ang hirap i-explain. Pero kung ikaw ang babae, bibigay ka sa mga pakulo niya. Kapag babae ka, magkakagusto ka. Ang sikreto ni Bossing parang daks, super daks! Confirm! Para bang nakita ko na, ‘no!

Para kay Ai-Ai, memorable moment nila ni Vic ay ‘yung kissing scene nila sa Roxas Boulevard? “Du’n sa Roxas Boulevard, hindi niya alam na tini-testing ko lang si Vic. Ako nininerbiyos, pinaglalabanan ko lang, hindi kasi ako sanay. Hahaha! ‘Yung lips niya, sakto lang, nagkakagulo na nga ang mga kababaihan sa kapogian niya eh,” turan pa nito.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Kung bakit lapitin ng babae Vic Sotto, buking na ang sikreto!

  1. Kung ako si Bossing uubusin ko na lahat ng katas ni Pauleen mula umaga hanggang gabi sa kama na lang wala ng lalabas pa ng kwarto hehehe… Jackpot ka dyan ke Pauleen mukhang masarap siya ikama kasi malaman at makinis.

Leave a Reply

Your email address will not be published.