KUNG BAD TRIP ka sa isang lady boss ng isang network, may dahilan. Kung valid naman ang iyong pagkainis sa babaeng ‘yon, all the more that you have a reason.

KUNG BAD TRIP ka sa isang lady boss ng isang network, may dahilan. Kung valid naman ang iyong pagkainis sa babaeng ‘yon, all the more that you have a reason.

Kuwento ito ng isang reporter tungkol sa isang babaeng ehekutibo, na sana’y ipinaglihi na lang sa giraffe para kung mahaba ang kanyang leeg ay pumaling naman sa mga gusto siyang batiin. Kaso, namimili lang daw ng reporter ang lady boss.

But by some twist of fate, mukhang ang nagkakandaugat at naninigas na leeg ng hitad ay yumuyuko na, hindi dahil nakikipagkaibigan na siya sa mga reporter na iniisnab-isnab niya noon. Much of it has to do with a reportedly ongoing investigation by the network sa umano’y—I repeat—umano’y katiwalian ng lady boss.

The TV program in question ay pinamahalaan noon ng lady boss. Nasilip umano ng management ang overbudget nito sa damit pa lang ng bida, na umabot sa isang milyong piso in its entire airing. Malaman-laman daw ng network, kalahati lang daw ang halaga ng ginastos sa damit, so where did the half a million pesos go?

Sa ngayon, pinagpapaliwanag ang lady boss sa misdeclaration na ‘yon, ayon pa rin sa aking reporter-source.

“Tuwa ko lang dahil sa nangyayari,” mayabang na sey ng reporter. “What’s half a million these days? Sa halagang  ‘yon,  sinira  niya   ang    pangalan niya? Ngayon siya mang-ismid! Wala siyang ipagmamalaki!”

Pahiram, kaibigang Cristy Fermin, sa mabahong basurahan kaya malapit sa Row 4 pulutin ang lady boss na ito?

(Ronnie Carrasco)

loading...

One thought on “KUNG BAD TRIP ka sa isang lady boss ng isang network, may dahilan. Kung valid naman ang iyong pagkainis sa babaeng ‘yon, all the more that you have a reason.

Leave a Reply

Your email address will not be published.