Kung anu-ano ang sinasabi sa mga mahal niya sa buhay
Daniel Padilla, pikon na sa mga Twitter basher!

SA NAKARAANG Amigo Segurado presscon nu’ng nakaraang Huwebes, kung saan pormal na ipinakilala sina Daniel Padilla at Richard Yap bilang kanilang product endorsers, ramdam ang inis ng young actor nang mapag-usapan ang mga nagba-bash hindi lang sa kanya kundi sa kaparehang si Kathryn Bernardo, sa ina ni Kathryn at sa kanyang Mommy Karla Estrada.

Ayaw nang banggitin ni Daniel ang mga masasakit na salitang pinatutungkol sa mga taong malalapit sa puso niya dahil foul ang mga ito at below the belt. Ayon sa young actor, mas maganda na magkita sila nang personal at sabihin nito ang mga sinasabi laban sa kanila at hindi nagtatago sa likod ng Twitter account.

Nang tanungin namin kung sinagot ba niya ang mga tweet na natatanggap niya patungkol sa mga mahal niya sa buhay, aminado naman si Daniel na pinatulan niya ito at ‘di na rin napigilan ang kanyang sarili na sumagot.

Excited at kinakabahan na sa nalalapit na concert sa April 30, sa Araneta Colsieum, balita na sa ngayon pa lang ay paubos na ang tickets at marami na talaga sa mga kabataan ang naghihintay sa special concert na ito ng young actor. Masaya ring ibinalita nito na pagkatapos ng pelikulang Must Be… Love, isang serye ang ihinahanda na pagtatambalan nila muli ni Kathryn.

Bilang isa sa pinakasikat nating kabataang aktor sa ngayon, epektibo ring product endorser si Daniel, kung saan ayon nga speech ng isa sa top executive ng Amigo sa nasabing presscon, sobrang tumaas ang sales nila mula nang ipakilala nila sina Daniel at Sir Chief bilang kanilang endorsers.

 

SA ISPEKULASYON ng iba na vengeance daw ang dahilan kung bakit nag-pose muli si Sunshine Cruz para sa April edition ng FHM at ipamukha sa asawang si Cesar Montano na maganda pa rin siya at sexy, at ‘di pahuhuli kay Krista Miller kung paseksihan lang ang pag-uusapan, agad na klinaro ng nagbabalik na aktres na tinanggap nila ang offer ng FHM hindi sa ano pa man, kundi napag-usapan ito nang maayos at hindi sila lumagpas sa ibinigay nilang limitasyon.

Ikinuwento ni Sunshine na noon pa man ay nakatatanggap na siya ng alok na mag-pose muli sa nasabing men’s magazine, pero tinatanggihan nila ito dahil may pamilya siyang tao. Bukod sa ‘di maganda kung gagawin niya ito ay alam niyang ‘di siya papayagan ng asawang si Cesar Montano. Ngayong hiwalay na sa asawa at nagbabalik muli sa showbizness, isang magandang hakbang ang ginawa ni Sunshine kung saan kahit aminado siya na 35 na siya ngayon at ilan na rin ang anak nila ni Cesar, napanatili pa rin niya ang magandang katawan kung saan siya nakilala sa showbizness.

Nagbabalik-telebisyon sa seryeng Dugong Buhay, labis-labis ang pasasalamat ni Sunshine sa ABS-CBN dahil sa trabahong ipinagkatiwala sa kanya ng nasabing istasyon na malaking tulong ngayong namumuhay na siya sa ibang bahay kasama ang mga anak at kumikita ng sarili niyang pera para sa kanilang mag-iina.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Kung anu-ano ang sinasabi sa mga mahal niya sa buhay
Daniel Padilla, pikon na sa mga Twitter basher!

  1. ANG KAKAPAL RIN NAMAN NG MGA NASA TWITTER, PORKET SIKAT SI DANIEL AT KATHRYN SINISIRAAN PATI MGAMAGULANG NUNG BATA DINADAMAY… UMAYOS NGA KAYO!

Leave a Reply

Your email address will not be published.