Kundisyon ng mga Bus Driver, Pinabubusisi sa DOLE

PINATUTUTUKAN SA DEPARTMENT of Labor and Employment (DoLE) ang working condition ng mga bus driver na sinasabing ang kakulangan sa pagtulog at pahinga sa pagitan ng kanilang mahabang biyahe ang pangunahing dahilan ng mga malalagim na sakuna sa kalsada, ayon kay Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr. sa isang news release.

“DoLE should ascertain whether the job setting of bus drivers allows them to stay in shape all the time, and that they are not under any extreme mental, physical, or economic pressures that may unnecessarily give way to unsafe driving behavior,” pahayag ni Barzaga.

Kahit na ang mga pinakamaiingat na bus ay maaaring maging “rolling coffins” kung ang mga driver nito ay kulang sa tamang pahinga at pagtulog, ani Barzaga.

Ang pagmamaneho habang nakararamdam ng matinding antok matapos ang limang oras o mas mahaba pa ay maaaring lumikha ng isang aksidente at mauwi sa matinding pinsala o kamatayan ng sinumang nagmamaneho.

Kasalukuyang isinusulong ni Barzaga ang House Resolution 270, na naglalayong iwasan ang mga nakamamatay na road accidents na sangkot ang mga pampasaherong bus.

Sinuspinde naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng ilang bus firm na may kinalaman sa kasalukuyang mga aksidente na kumitil sa mahigit 66 katao at puminsala sa 95 na iba pa.

Ang iba pang ahensiyang bahagi sa road safety ay ang DOTC, Department of Public Works and Highways, LTFRB, Land Transportation Office, Metro Manila Development Authority, National Police Traffic Management Group, at mga lokal na gobyerno.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.