Kumplikado ang relasyon sa asawa
Mark Anthony Fernandez, balik-droga?

Mark-Anthony-FernandezHINDI TOTOONG bumalik siya sa paggamit ng droga. Ito ang mariing paglilinaw ni Mark Anthony Fernandez nang makakuwentuha naming kamakailan.

“Napag-uusapan nga namin ‘yan ng kapatid kong si Vandolph, eh,” aniya. “Sabi ko… sana malinaw ko ‘yong mga ganyang bagay.”

Hindi ba sumasama ang loob niya na sa kabila ng nasimulan niyang pagbabagong-buhay, heto at nagkakaroon na naman ng ganitong negatibong usapin tungkol sa kanya?

“Hindi naman. Basta ang sa akin, malinaw ko lang ang tungkol dito. Kasi hindi naman totoo.”

Napababalita ring may problema sila ngayon ng kanyang asawa. On the rocks na diumano ang kanilang pagsasama?

“Hindi naman. Okey lang. Natsitsismis lang na on the rocks na ang relasyon namin. Pero… tsismis lang ‘yon. There’s no truth to the matter. And baka puwedeng huwag na lang nating pag-usapan ‘yon,” lambing niyang pakiusap.

“Basta… medyo complicated nang konti. Hanggang do’n na lang ang masasabi ko.”

Kumusta pala sa ngayon ang relasyon nila ng kanyang inang si Alma Moreno?

“Okey naman. Nagkakakausap naman kami. Hindi kami masyadong nagkikita. Pero nagti-text kami lagi. Nagku-confide ako sa kanya minsan ng tungkol sa mga nagiging problema ko.”

Naisi-share ba rin niya kay Alma ‘yong nagiging problema nila ngayon ng kanyang asawa?

“’Yong mga iba kong problema. Pero hindi ‘yong tungkol sa amin ng wife ko. Pagdating sa anumang problema namin ng asawa ko, mas gusto kong sa aming dalawa na lang ‘yon. Kaming dalawa na ang mag-aayos no’n,” sabi pa ni Mark.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.