Kumpirmadong mag-dyowa Richard Gutierrez at Jewel Mische, magkasama sa Amerika!

ANO BA ‘YAN?! Pagkatapos kumpirmahin ng bunsong kapatid ni Richard Gutierrez na si Ritchie Paul na girlfriend talaga ng Kuya niya si Jewel Mische, naglabasan naman ngayon ang isyung nasa Amerika raw ang young actress kasama nga si Richard.

Eh, nagsu-shooting doon si Richard kasama sina Claudine Baretto at Anne Curtis, tapos nandu’n naman si Jewel?

Kasama pa ni Richard du’n ang Daddy niyang si Eddie Gutierrez at ang kapatid niyang si Elvis, kaya ewan ko kung nakakasama din nila si Jewel.

Nandito naman si Annabelle Rama at nakausap nga ng reporter ng Startalk, at hindi raw siya naniniwalang nandu’n si Jewel.

Pero may mga nagkukuwentong nakita nila roon ang young actress at kasa-kasama nga ng aktor.

Kaya nu’ng presscon ng Pilyang Kerubin, wala si Jewel dahil nasa Amerika nga ito.

Mukhang seryoso nga si Richard dito kay Jewel dahil ang tagal na rin nila, huh! Halos lahat pa yata ng biyahe ni Richard sa abroad, kasama si Jewel at tanggap na tanggap na ito ng pamilya.

Kaya du’n nga sa presscon ng Pilyang Kerubin, walang kagatul-gatol na sinabi talaga ni Ritchie Paul na girlfriend nga ng Kuya Richard niya si Jewel at gusto raw niya ito para sa Kuya niya dahil napakabait daw, very smart at napaka-relihiyosa. Bongga!

INIMBITA NAMAN AKO ni Dra. Vicki Belo sa surprise birthday party nila kay Hayden Kho pero hindi na ako pumunta kasi bukod sa gabi na ito, ayoko namang makipagtsikahan sa kanila, ‘no?!

Pagkagaling nga sa bakasyon nila sa Amerika at Paris, may inihandang party si Dra. Belo para kay Hayden nu’ng nakaraang Martes na ginanap sa Le Soufle sa Rockwell.

Walang showbiz friends daw na inimbita kundi mga close friends lang daw ni Hayden at ang ibang mga dating classmate niya.

Hindi raw nakadalo roon ang Mommy ni Hayden na si Irene Kho dahil may sakit ito.

Kaya nu’ng hearing nito sa Libel case na isinampa sa kanya ni Katrina Halili kahapon, hindi ito dumating dahil may sakit daw.

Pero bongga ang abogado ni Katrina at ang sa prosecution. Ipinagpilitan nilang dapat nandu’n si Irene para daluhan ang arraignment. Kung ipo-postpone man, dapat na nandu’n pa rin daw ito para pirmahan ang pag-reset ng hearing.

Kaya walang magawa ang abogado ni Irene, kailangan niyang i-produce nu’ng oras na ‘yun sa hearing, na kaagad namang dumating dahil nasa kotse lang pala niya naghihintay.

Ang sey ng abogado ni Irene, dahil daw sa dami ng media na nandu’n nalalagay daw sa public humiliation ang kliyente niya.

Hirit naman ni Atty. Raymund Palad, nandu’n nga raw ang kliyente niyang si Katrina na mas nalalagay sa kahihiyan, wala itong reklamo, bakit may ganu’ng drama pa si Irene? Kaya wala silang nagawa, kailangan niyang sumipot at pirmahan ang attendance at ni-reset na nga ang arraignment sa June 17. Siyempre, kukuyugin na naman sila du’n ng media.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleRUFFA GUTIERREZ, may death threats!
Next articleSHOW TWITZ: Baron Geisler, warrant of arrest ang natanggap na birthday gift

No posts to display