Kumpirmadong Buntis! Roxanne Guinoo, magpapakasal na?

BUNTIS SI ROXANNE Guinoo, ito ang balitang naglalabasan ngayon na kung saan ay magpapakasal (o naikasal na) raw ang aktres sa non-showbiz boyfriend. Ayon sa tsika, hindi raw ngayon nag-i-entertain ng interbyu ang aktres dahil sa pag-iwas tungkol sa kanyang kalagayan. Pero kung paniniwalaan ang balita, two months preggy raw ang dalaga.

Isa sa mga kaibigan ni Roxanne ang nagkumpirma sa kanyang kalagayan at nagsabing nagdadalang-tao ang dalaga na kung saan ay hindi naman daw tinatalikuran ng non-showbiz boyfriend ang dinadala ng aktres.

“Actually matagal na siyang gustong pakasalan ng kanyang boyfriend. Kaya lang, si Roxanne lang talaga ang umaaayaw,” sabi pa ng aming kausap.

Habang isinusulat namin ang balitang ito, patuloy naming tinatawagan si Roxanne sa kanyang pribadong number ng phone, subalit hindi niya sinasagot ang aming tawag at text.

Lantaran na talaga ngayon ang relasyon ni Jericho Rosales at ng SNN lady reporter na si Cesca Litton. Nagsimula ang nasabing relasyon last year at ngayon lang pinangatawanan ng dalawa ang kanilang pagmamahalan.

[ad#ad-text-links-1]

Nakausap namin si Cesca at tinanong namin sa kanya ang isyu sa kanila ni Jericho, kung saan malulutong na halakhak lang ang kanyang sagot. “Wala na kami ng boyfriend kong doctor, matagal na!” Pahayag ni Chesca nang itanong namin sa kanya kung paano na ang non-showbiz boyfriend niya ngayong matunog ang balitang may relasyon sila ni Echo.

“Ha-ha-ha!” ‘Yun lang ang sagot ni Cesca sa bawat tanong namin, like kung kelan sila officially naging mag-on? Ano ang kanyang nagustuhan sa aktor, at kumusta na ang kanilang relasyon?

Hindi man aminin ni Cesca kung ano ang tunay na relasyon nila ni Jericho, obvious na nakikipagmabutihan na siya sa dating boyfriend nina Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

KUMPIRMADONG DARATING NA ng bansa si Nora Aunor matapos na magparetoke nang todo-todo sa Japan, kung saan ayon sa huling balita, higit na mas bata ngayong tignan ang Superstar bago pa siya umalis ng bansa ilang taon na ngayon ang nakalilipas.

Sa pagbabalik ni Nora sa bansa, ang isa sa tiyak na matutuwa ay ang kumare niyang si Vilma Santos dahil magkaribal man sila sa popularidad ay magkaibigan naman sila in real life.

Say ng aming spy, dahil sa ginawang pagpaparetoke ni Nora ay hindi malayong magmukhang mag-ina raw ngayon si Ate Vi at ang Superstar na tiyak na ikatataas ng kilay ng marami nating kaibigang Vilmanians.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

13 thoughts on “Kumpirmadong Buntis! Roxanne Guinoo, magpapakasal na?

  1. wow the guy is soo lucky to have roxanne in his life !!!

    well we’ll still support roxanne and she is already good acctress !!!

  2. As if may babalikan pang career si nora. Ugali ang dapat iparetoke ni nora. Ang tanong after the retoke kaya ba ni nora ang maintenance nito? Naisip ba ni nora na di forever siya makakakuha ng libreng pa retoke, sana naisip muna niya ito bago siya nag pa retoke. Nasa huli ang pagsisisi!

    • ayan na naman napaka bitter naman nito, kala mo sya ang nagbabayad at may hawak ng kapalaran ni nora. nora deserves whatever attitude she has/had have dahil sya lang ang nag iisang superstar. yun ang character nya.

  3. hindi naman sya pinabayaan nang ABS-CBN, may mga binigay na shows kay roxanne pero sya mismo ang tumanggi. well, goodluck! for sure makakabalik pa si roxanne sa showbiz, magaling naman kasi umarte.

  4. there’s something about her face na parang laging malungkot. parang laging iiyak. maybe it’s just me, pero parang there’s something na mabigat sa mukha nya. i dont mean literally mabigat. but you know what im talking about.

  5. Mas bilib ako kay Roxanne. napanindigan nya ang pagiging mabuti tao. kesa nman sa mga babae na nagpapa abortion dahil sayang ang showbiz/ future nila. Kung nagpa abort kaya sya, mamaliitin sya. ngayon naman na itutuloy ang pagbubuntis at bubuhayin ang bata at pakakasalan pa sya, dami pa rin nanghihinayang. ang mga tao nga nman! Roxanne ang dapat tularan ng mga babaeng nabubuntis. panindigan nyo ang mga actions and consequences ng lahat ng bagay na gagawin ninyo.

    GOD BLESS YOU ROXANNE!

    • kung bakit naman kase nya pinangalandakan nya on national tv na VIRGIN pa sya hehe… ayan tuloy… walang masamang mabuntis wag lang magpavirgin effect… baka ilong at tenga na lang nya ang virgin… lols

  6. how old is roxanne?she’s like late 20s now right.well if she is pregnant good for her.she’s old already.it’s her time to be a mom.there are people out there who is older than her and wants to be a mom.example Judy-ann.so good for you roxanne if you really are pregnant.

Leave a Reply

Your email address will not be published.