Kumpanya ng yosi, namumuro sa BIR at BOC

MALAMANG NA maharap sa dalawang mabigat na kaso ang isang lokal na kumpanyang gumagawa ng sigarilyo dahil sa diumano’y pag-iwas nito sa pagbabayad ng tamang buwis.

Sa hearing ng Congressional Oversight Committee on the Comprehensive Tax Reform Program (COCTRP) na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara sinisilip ang posibleng pagkakadawit umano sa smuggling at tax evasion ng Mighty Corporation, isa sa mga nangungunang prodyuser ng murang yosi sa Pilipinas.

Inamin ng kinatawan ng Bureau of Customs (BOC) na sinuspindi na nila ang permiso para makapag-angkat ng raw materials para sa sigarilyo dahil hindi umano magtugma ang kantidad ng inangkat nito sa dami ng mga nagawang finished product.

Sinabi ng BOC na hindi umano maipaliwanag ng kumpanya kung paano lumaki ang kanilang produksiyon gayung maliit lamang na bahagi ang kinukuha nito sa mga lokal na magsasaka ng tabako.

Ibinulgar naman ni BIR Assistant Commissioner for Large Taxpayers Service Alfredo Misaujon na 24 oras na BAbantayan ng kanilang mga tax agents ang bodega ng Mighty para malaman kung gaano kalaki ang dapat nilang bayarang buwis.

Ayon naman kay Angara, hindi sinasadyang naituon ang atensiyon ng pagdinig sa Mighty.

“Ang Mighty kasi ang madalas na nababasa natin sa pahayagan tungkol sa mga ganitong usapin sa pagbubuwis kaya siya ang nabanggit dito sa pagdinig,” pahayag ng senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Kumpanya ng yosi, namumuro sa BIR at BOC

  1. Pingback: Kumpanya ng yosi, namumuro sa BIR at BOC - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.