Kumatay sa Kapit-Bahay, Nadakip Na

DAHIL SA mas pinaigting na “Oplan Pagtugis” ng mga operatiba ng 3rd Criminal Investigation and Detection Unit-3 ng Criminal Investigation and Detection Team Bulacan, agad na nadakip ang isang lalaki na sangkot sa kaso ng pagpatay sa Caloocan City nito lamang Setyembre 2, 2012.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Richard  Caballero sa CIDU-3 kinilala ang nadakip na suspek na si Nelson Ramos Y Abellanida, 56 anyos, tubong Bacolod City, residente ng NPC Lines, Brgy. Deparo, Caloocan City.

Base sa inisyal na im-

bestigasyon ni SPO4 Dante Macadangdang at SPO1 Rogelio Ramos, dakong alas-10 ng gabi nang madakip sa Brgy. San Isidro, San Jose del Monte City ang suspek.

Nabatid kay P/Insp. Reynaldo Martin, team leader ng grupo, ang suspek na si Nelson ang tumaga at nakapatay sa kanyang kapit-bahay na si Glen Abero, 44 anyos, tubong Dumaguete City, kung saan pinagtataga ang biktima sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Samantala, inaresto ang suspek makaraang inguso ito ng ilang mga residente sa nabanggit na lugar, makaraang magyabang umano ito sa isang inuman.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.