Kumander ng BIFF, patay sa bakbakan

PATAY ANG KUMANDER ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) habang tatlo pang tauhan ang sugatan nang makasagupa nito ang isa pang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Commander Meten Gulapal ng BIFF habang tatlo pa ang sugatan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang bakbakan sa Barangay Elian sa bayan ng Datu Saudi.

Nabatid na nagpang-abot ang grupo ni Commander Fahad Unsi ng 108th Base Command ng MILF at ang grupo ni Gulapal.

Tumagal nang ilang oras ang bakbakan bago nagsi-atras ang magkabilang panig.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.