Kumander kato, patay na

PATAY NA ANG lider ng breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Ameril Umbra Kato.

Ito ang inihayag ni Atty. Michael Mastura, legal counsel ng MILF at miyembro ng kanilang peace negotiating panel.

Ayon kay Mastura, pumanaw si Kato habang nasa pangangalaga ng kanyang unang asawa sa Toril, Davao City dakong alas-6 noong sabado ng gabi.

Una nang sinabi ni MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar na paralisado na si Kato matapos ma-stroke at nakikipag-ugnayan lamang ito sa pamamagitan ng pagsusulat.

Si Kato ang nanguna sa mga rebelde na maghasik ng kaguluhan noong 2008 matapos ibasura ng Supreme Court ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.